Sunday, July 26, 2009

Pag-ibig, ano nga ba'ng iyong anyo?

Minsan ika'y maramot,
sa atensiyo'y ayaw ng nakikiamot.
Minsan ika'y mapagbigay,
handang magparaya at maghintay.

Minsan ika'y mistulang bulag,
hinahayaan irog na lumalabag.
Minsan ika'y isang bagong tinig,
maging sa bingi'y hatid ay napakagandang himig.

Minsan ika'y mistulang pipi,
handang magtiis kahit patuloy na inaapi.
Minsan din ika'y mabangis at matapang,
hadang lumaban masunod ka lamang.

Pag-ibig mong tunay at wagas,
Meron na ba ngayong wakas?
Ang pag-ibig mong dalisay,
May bahid na ba itong taglay?

Pag-ibig, ano nga ba ang iyong hatid?
kagalakan, kasiyahan o kirot na walang patid?
Sagutin ang aming mga katanungan,
sa walang katapusang alinlangan.

Art from DevianArt

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape


4 comments:

A-Z-E-L said...

isang makata mula sa disyerto...

confused about love?

dumaan ako :)

Noel Ablon said...

Hindi ako ang confused, pero marami akong kaibigang ganito kaya inaalay ko ito sa kanila at sa lahat ng mga kabayang confused hehe!

Maraming salamat sa pagdaan.

Francesca said...

alam kya ng mga kaibigan mo na the heart is treacherous and desperate ? Who can know it?
Meaning, if the heart governs over the brain, voila, kakaloka na.

I advice mo na sa kanila, better to be alone than with silly gf, hehehe.

AJ said...

nangangapitbahay po mula sa presinto ni Kosa :)..

n22wa ako @ may isa na naman akong nakilalang blogero na, bagong bayani pa..

babalik ako para magbasa pa ng marami mo pang mula sa pusong 2la @kwento.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...