Saturday, July 25, 2009

Mga Blog Updates ko!

Kanina ay paputol-putol kong ginawa yung features ng blog kong ito. Nais ko kasing gumanda itong aking home blog eh. Diyahe naman kung bibisita kayo ng wala akong maipapakitang magandang bagay. Ano ba ang mga nagawa ko kanina?

Binago ko yung mga pictures na nagsusulputan sa taas ng aking welcome gallery. Pagmasdan na lang niyo sa itaas ng aking blog. Ganda nila ano? Binago ko lang ng kaunti ang kanilang mga kulay para medyo mabuhay. Napagtanto ko sa aking paghahagilap ng mga magagandang tanawin sa ating inang bayan ay medyo may kakulangan tayo doon kaya isinusumpa ko (joke! joke!). Kung ako ay magkakaroon ng pagkakatong makakuha ng mga pictures ng mga features ng ating bansa ay walang pag-aalinlangan ko itong ipapaskel dito sa blog ko. Kung meron kayong mga matatas na kaledad na mga imahen ng ating inang bayan ay sabihin lang niyo sa pamamagitan ng pag-kumento sa ibaba. Kolektahin ko siya, siyempre magpapasalamat ako.

Ang mga imaheng nakuha ko ay nagmula pa sa ibang bansa (kakahiya talaga) at di Filipino.

Thank you Mr. Manfred Leiter for the images I've used on my blog that came from your website - Manfred's Travel Pictures.

Maraming salamat muli sa pagbisita. Ma'a Salaam!


0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...