This is just a re-post to remind everyone of our great God who continually is on our site, just waiting for all of us to call His name. I made this around Sept-2009 to give glory to God. This is the first-ever Christian poem I made - hope there's more coming. Before you read this, imagine God is talking to you.
Ano ba sa iyo ang aking tinig?
Tulad ba ito ng isang magandang himig?
Na gaya ng isang bagong awitin,
Patuloy na pakikinggan at uulit-ulitin.
Ibig kong malaman mo,
Na ang tinig mo'y tulad ng isang salmo.
Na patuloy na nagbibigay kasiyahan,
Sa puso kong nagdurugo at luhaan.
Ikaw na aking anak,
Ikaw na tumawag sa akin ng may galak.
Nais ko sanang patuloy na marinig,
Ang iyong hinaing, and iyong magandang tinig.
Sa tuwing nasasambit mo ang ngalan ko,
Puso ko'y lumulundag, naghihintay sa sasabihin mo.
Narinig ko ang lahat ng iyong binanggit,
Kaya't sa iba'y wag kang mainggit.
Wag ka sanang magagalit o malumbay,
Kung ang iyong hiling ay di ko ibinigay,
Pagka't may plano ako para sa'yong inilaan,
Na mas hihigit pa sa iyong kahilingan.
Kung patuloy kang sa akin ay humimlay,
Makikita mo ang kaloob kong tagumpay.
Ikaw na aking minamahal na anak,
Wala akong hinangad kundi ang iyong galak.
Ano ba sa iyo ang aking tinig?
Tulad ba ng isang salmong puno ng pag-ibig?
Anak, nandito ako't nagmamahal, umiibig,
At laging naghihintay sa iyong magandang tinig.
Wednesday, January 6, 2010
Naghihintay Sa'yong Tinig - REPOST!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
I love this one, Tagalog is so perfect, as I read it, I could hear God's voice not mine conversing to me.
I wish I could arrange melodies to this one, its really beautiful.
God bless you Noel.
maganda ang tula na ito..mahalaga ang tinig sa bawat isa..lalo na kung tinig mula sa iba na dapat mong malaman..mostly sa ating panginoon..
Amen. Have a blessed 2010 po.
Hello po pa drop-by lang. So ito pala ang blog nyo, napakaganda ng mga posts at may spiritual touch pa, kaya not a surprise kung napili kayo as one of the best PEBA bloggers.
I am a new blogger, just started 3 months ago, so wala pa enough ideas on blogging kaya minsan kahit ano na lang maipost ko. kaya i visit blogs na magaganda para magkaron din ng konting ideas.
Keep on writing interesting and inspirational posts. I think i will be ur frequent visitor here. More power and God bless!
@pope - maraming salamat sa iyong pagbisita. Oo nga eh, actually, habang nagbubulay-bulay ako at nag-iisip kung ano kaya ang nais sabihin ng Panginoon sa akin pakiramdam ko yan ang nais niyang sabihin sa akin.
@arvin - salamat
@rej - thanks sa pag-visit din.
@bedayo - salamat sa pag-visit, kahit na di ako nanalo sa PEBA ay panalo ako sa friends.
keep on blogging. thanks and I do really hope to see you more often. I'll visit your blog as well.
Post a Comment