Due to the sensitivity of some issues that will be brought upon this article and for some Filipinos untrained in English, this will be written in Filipino’s native tongue.
===
Ito ba ang una mong pagkakataong makarating sa Gitnang-Silangan o ng Saudi Arabia? Ano ba ang mga bagay na iniisip mong kahaharapin mo o kahihinatnan ng desisyon mong pagpunta sa lugar ng mga arabo? Ang mga mababanggit o mga tatalakaying bagay sa akdang ito ay base sa aking obserbasyon kaya maaaring ito ay hindi kinaharap o kinakaharap ng ilan nating mga kababayan.
i. Di pagsunod sa kontrata.
Bago ka palang dumating sa lugar na ito, sa ahensya kung saan ikaw ay lumagda ng isang kontrata, makabubuting isipin ng maaga na ang ilan sa mga bagay na nakasaad sa kontratang iyong nilagdaan ay maaaring hindi mangyayari o hindi mo matatanggap ayon dito ngunit hindi naman lahat ay ganito ang nagiging kaso. Ito ay sa kadahilanang ang ilang mga nakasaad dito ay mga kinakailangang bagay upang makapasa ito sa ating embahada o ng Department of Labor. May kalakip din itong kopya sa wikang arabo na kung saan nakasaad sa kopyang Ingles na mas binibigyan nila ng halaga, kapangyarihan o awtoridad ang kopya ng iyong kontrata sa wikang arabo. Bago ka pa magbago ng isip, magbago ng desisyon o mawalan ng pag-asa, isipin mo muna ang iyong layunin sa iyong naging desisyon. Maaari mo rin naman itong imungkahi o isangguni ng maayos sa iyong magiging amo - hindi naman sila lahat salbahe gaya ng kwento ng ilan nating mga kababayan.

ii. Mga patungkol sa kahalayan.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdala ng anumang bagay na patungkol sa kahalayan o "por.nog.rapiya" kahit sa ano mang klase o porma nito. Makabubuting isangtabi na natin iyan - pumunta tayo sa lugar na ito upang magtrabaho. Gayunpaman, nakasisiguro akong maraming bagay na pwedeng pagkaabalahan na siya namang tunay na nakalilibang habang ikaw ay namamalagi o nagta-trabaho sa lugar ng Saudi Arabia gaya ng basketball (ito ang numero unong libangan ng mga kalalakihang Pinoy dito), volleyball (ito naman ang sa mga kababaihan at sa'ting mga kababayang may Pusong Pinay --alam niyo na yun --meron din namang mga kalalakihan), tennis, badminton, golf (pwede rin sa loob ng bahay o sa disyerto hehe!) at kung ano-ano pang mga bagay.

iii. Alak at Sugal.
Ang alak o anumang inuming alkohol at inuming nakalalasing at maging ang sugal ay mahigpit ding ipinagbabawal dito. Gaya ng nauna kong sinabi, naparito tayo upang magtrabaho kaya makabubuting isangtabi na lang natin itong mga bagay na’to. Ilan na rin sa mga kababayan natin dito ang nakulong dahil sa ganitong gawain --kulong at deportasyon ang pataw na kaparusahan sa sinomang lumabag nito.

iv. Bawal na gamot.
Ang mga bawal na droga ay lalong higit na ipinagbabawal –kahit saan naman siguro. Dapat nga ay di ko na sinasabi pa ito. Hindi ako nakasisiguro pero ang nalalaman ko ay kulong at maaaring pataw na kamatayan sa pamamagitan ng bitay ang iginagawad na parusa dito dahil sobra ang paghihigpit nila dito.

v. Mga padala .
Isa ring paalala sa mga may mabubuting kalooban, huwag basta-bastang tumanggap ng mga padala mula sa mga kakilala. Kung tayo man ay tatanggap ng mga padala ay makabubuting tingnan natin ang laman nito lalong higit kung ito ay nakabalot ng mahusay. Mas magandang humingi muna tayo ng permiso mula sa taong magpapadala na kung maaari natin itong siyasatin bago natin tanggapin. Kung hindi ito pumayag ay huwag niyo na lang tanggapin. Wala kayong malay na maaaring ipinagbabawal na droga o epektos ang nilalaman nito. Ilan na rin sa ating mga kababayan ang nahuli sa airport na may dalang mga bawal na gamot o shabu at kung ano-ano pa mang bawal na ang kanilang tanging rason ay ipinadala lamang ito ng isang kakilala. Mabait na kung mabait pero hindi ang buhay nila ang siyang nakasalalay sa oras na kayo ay mahuli o madawit dito.

vi. Mga bagahe.
Gayundin sa mga bagahe, mag-ingat din tayo sa mga nagnanais na maki-angkas ng kanilang mga sobrang bagahe. Ang ilan sa kanila ay nagpapanggap na umanoy sumobra na ang timbang ng kanilang bagahe kaya nais nilang humingi sa inyo ng pahintulot na ikargo na sa inyong bagahe o ilagay sa pangalan niyo ang ilan sa kanilang sobrang bagahe.

vii. Disiplina para Kaunlaran.
Hindi lahat ng nagtungo ng Saudi Arabia o ng ibang bansa ay umunlad. Ang ilan sa kanila ay lalo pang nabaon sa utang ng dahil sa kakulangan ng disiplina sa sarili. Dito sa Saudi Arabia, ang sugal ay isa sa mga nakahuhumalingan ng mga Pinoy na isa ring sanhi ng pagkaka-baon nila sa utang. Ang ilan sa mga sugal na ito ay ang tong-it, pusoy at ang pinaka-matindi ay ang lottery o lote kung tawagin dito. Hindi lang Pinoy ang nahuhumaling dito, maging mga ibang lahi. Disiplina sa sarili ang kinakailangan.

viii. Pagiging maagap para sa kaligtasan.
Hindi rin lahat ng nagtungo dito ay pinagkalooban ng maayos o ng mabuting amo. Ang nakakalungkot dito ay ang ilang mga pinagkalooban ng di-maayos na amo ay ating mga kababaihan natin. Ang ilan dito ay na-maltrato ng kanilang amo. Gayunpaman, ang ating konsulado ay abot-kamay lamang para sa bawat OFW na nangangailangan ng tulong. Makabubuting humanap tayo ng mga kakilala, kaibigan o kamag-anak na matatakbuhan o matatawagan natin sa oras na kailangan. Makabubuti rin lalo sa mga kababaihan ang alamin o tunguhin ang ating embahada o konsulado at hingin ang mga importanteng detalye gaya ng telephone number ng mga taong dapat na tawagan kung ikaw ay nangangailangan ng tulong.

ix. Di-wastong panahon ng pagsahod.
Ang perang ating sinasahod ang isa sa mga mahahalagang bagay na ating inaaasahan sa tuwing darating ang katapusan ng buwan. Ang ibang mga manggawa dito ay tumatanggap ng kanilang sahod ayon sa kalendaryong Gregoryan na siya rin naman nating gamit sa Pilipinas. At ang iba naman ay sumasahod ayon sa kalendaryong-Islam. Ang pang-karaniwang suliranin ng mga Pinoy dito ay ang di-pagtanggap ng kanilang sahod sa wastong panahon. Ang ilan dito ay halos tatlo hanggang anim na buwan bago nila matanggap ang kanilang mga sahod. Ako man na dating tumatanggap ng sahod ayon sa wastong oras ay isa na sa mga kababayan nating patuloy na umuunawa, naghihintay na maibigay ang kaukulang sahod. Kaya wag tayong mabigla kung ito man ay ating kaharapin. Tiyaga at pasensya ang siya nating kinakailangan kung nais nating patuloy na suportahan ang ating minamahal na pamilya sa Pilipinas. Pang-unawa naman ang ating hilingin sa ating pamilya.

x. Pulitika.
kahit saan naman siguro ay meron nito at maging sa lugar na ito ay palasak ito. Ang nakalulungkot lamang ay minsan kapwa Pinoy pa ang siyang namumulitika sa atin. Kaya mabuti na ring asahan natin ito. Ang tanging paraan lamang upang ito ay paglabanan ay tamang pakikisama. Pag sinabing pakikisama ay hindi ka nakiki-sama o nagiging masamang katulad nila.

xi. Pakikipag-away.
Kung sa ating bansa ay hindi gaanong pinapansin ang away o gulo, kapag ikaw ay nahuling nakikipag-away dito ay kulong ang siyang kaparusahan sa’yo at sa iyong magiging kaaway. Kung minsan sa pakikipag-away ay tayong mga Pinoy lamang ang ikinukulong kaya mas mabuting iwasan din natin ito.

xii. Pagsasamang huwad.
Mga nagsasama bilang mag-asawa ngunit hindi tunay na mag-asawa. Ayoko na sanang talakayin pa ito pero ang nakakalungkot ay marami talagang gumagawa nito. Sa panahon ngayon na dumarami ang mga Filipinong napapabilang sa sirang-pamilya dulot na rin ng kalungkutang hatid ng pangungunilila sa mga minamahal ay makabubuti sa bawat OFW ang magkaroon ng maayos na komunikasyon, tiwala at paninindigan sa bawat isa. Maaari niyong basahin ang naisulat kong akda patungkol dito – OFW Famila ko. Lubos din itong ipinagbabawal sa Saudi Arabia kaya ang mahuling gumagawa nito ay pinapatawan ng pagkakakulong at deportasyon. Madalas pa ay pinapatawan ng prostitusyon ang mga kababaihang nahuhuling nakikiapid.
Ilan lamang ito sa mga dapat nating asahan sa pagtungo natin bilang OFW sa Saudi Arabia. Maaaring ang ilan sa mga ito ay nakakabasag ng paninindigan ng isang Pinoy pero kung lubos nating pahahalagahan ang pinaka-dahilan ng ating pagparito sa Gitnang Silangan, sa Saudi Arabia o ng anumang bansa ay maari natin itong pag-tagumpayan.

Mga Talumpati o Programang tungo sa Kabutihan
Nakakatuwa naman na ang ilan sa mga kababayan natin ang gumagawa ng mga talumpati, programa o samahan upang mapag-labanan ang lungkot natin dulot ng pangungulila sa ating pamilya.
Ang ilan dito ay bumuo ng grupo na patungkol sa sports. Marami na ngayon ang nagtaguyod ng mga ganito para sa kamalayang-pangkalusugan. Mayroon din namang mga samahang binuo ayon sa lahi o katutubong-dila.
Mayroon din naman sa mga bloggers, isa na dito ang aking pina-unlakan ng husto ang PEBA o Pinoy Expats Blog Awards na pangunahin sa mga miyembro nito ay mga Pinoy na mahilig sumulat ng blog.

Ang blog ay maaaring talambuhay o mga akda base sa buhay ng isang tao o maaari rin itong mga akdang patungkol sa mga nakalilibang na bagay, nagbibigay inspirasyon, mga katawa-tawang biro o jokes, mga pagkakakitaan sa internet at kung ano-ano pang bagay na nagbibigay aliw sa may-akda.
Isa sa pangunahing layunin ng PEBA ay pagkakaisa ng mga OFW saanmang sulok ng mundo na nahihilig sa blog. At isa sa kanilang talumpati ngayon ang pagpapalaganap at pagkakaisa ng mga Filipino na pagtibayin ang samahan ng bawat pamilya ng OFW sa pamamagitan ng mga panulat.
Ngunit isa sa pinakamahalagang bagay na naging parte ng aking pamumuhay dito sa Saudi Arabia ay ang makilala ko ng lubusan ang Panginoon. Kung kayo ay Kristyano, ang mabuting balita ay maaari niyo pa ring paglingkuran ang Panginoon sa lugar na ito pagkat ayon sa batas ay maaari ng sanayin ninuman ang kanilang pananampalataya kung ito ay hindi nakaka-abala o nakaka-sagabal sa mga tao o lugar na pinag-dadausan nito. Gayunpaman, mabuti na ang mahuli kang naglilingkod sa Diyos kesa ikaw ay mahuling nagsusugal, umiinom o nakikisama sa hindi mo asawa.
Maligayang pagdating kaibigan sa lugar ng Saudi Arabia. Nawa ay makatulong ang akdang ito para sa magiging buhay mo bilang OFW. Mabuhay ka!
6 comments:
jan pala dapat ang tungo ng mga taong gustong magbagong buhay :D
Salamat sa inpormasyon parekoy :)
habang binabasa ko ang mga bawal, naisip ko, lahat siguro ng tao dyan sa saudi, mga santo.
For one thing, hindi ko nanaisin na mag work dyan, or tumira, kahit ako ay nasa Pinas pa.
Masyadong opressed ang mga workers, walang freedom to feel and enjoy life, and six months na walang sahod? Mama mia, tumubo na sa banko nila ang sahod ko, na dapat tumubo eto ng interests sa banko ko.
Too much injustice. I felt better, if govt will ban filipinos to work there and instead work on sending filipinos to europe.
Dito, advance sahod, uwi every year libre ticket sa amo,or paid b=vacation months , may oras ang pasok at uwi, basta, mabait dito, and if hindi mabait, ipakulong ng katulong ang amo.
We must live on equal rights being humans and slavery should not exist in any part of the world.
Ok, nangangarap ako, lol
@francesca - in truth yan din ang iisipin mo kahit nandito ka na hehe! Pero knowing Pinoy, very creative pag dating sa kasiyahan. Di ko na tinackle yung ibang kasiyahan dito dahil ayokong mag-suggest ng di maganda. In truth, lalo dito sa Jeddah, marami pa ring nakakagawa ng kalokohan kahit na gaano kahigpit dito so kung tutuusin - they still have freedom dahil nagagawa pa rin nila yung mga bawal na nailagay ko diyan :(
@LordCM - yun ay kung desidido ka pero I think anywhere naman is a good place to start a new life as long as willing kang baguhin buhay mo.
ok ito bro hindi lang sa mga bago kundi pati na sa mga datihang OFW. Ang gamot nga daw sa kalimot ay paalala!
salamat bro! Oo nga para maalala ng iba kung bakit sila nandito - para sa pamilya hindi po ba?
walang pinagkaiba dito sa dubai. dangan nga lang , mas lamuwag dito sa ibang bagay! sir paa add naman! na add ko na kyo, eto site ko' www.oslekdude.blogspot.com
shukran!
Post a Comment