Monday, October 12, 2009

Yesterdays!

Ilang araw din ang nagdaang wala akong post. Ano ba ang pinaggagawa ko at ano ang mga nangyari during those days? Sige enumerate ko para makapag-reflect kung may nangyari nga sa mga kahapong nagdaan.

From recent to past:

Oct. 9, Naipadala na ang mga relief na kinolekta ng aming church. Ayon sa balita ay marami daw pagkukulang sa mga damit pangbata kaya ang pinaglumaan ng aming baby Ize ang siya naming pinadala dagdag ang mga luma pa naming mga damit.

Oct. 9 din, isang di inaasahang bagay na nangyari sa buhay ko ay ang mapabilang sa finalist sa Philippine Blog Awards - 2009 Special Award: Best Filipino Abroad Blog. Kahit hindi ako nanalo ay isang malaking karangalan ang mapabilang sa mga nakalinya sa kategoryang ito.

Anong masasabi mo nung malaman mong mapabilang ka sa finalist?

- Well, I was actually shocked to find my blog as one of the finalist. Aaahh! Di naman siguro sa ganoong extent. Pero hindi ko talaga inaasahan kahit man lang sa finalist dahil marami akong nakilalang mga bloggers sa PEBA na talaga namang magaganda ang kanilang mga blogs at masaya ako at may mga nakasama din akong ibang taga-PEBA. Di ko alam actually kung ilan sa mga finalist ang member din ng PEBA maliban sa Isladenebz (congrats! din sa'yo bro!)

Nanood din ako ng streaming nito sa flippers ba yun? ngek Flippish pala. Pero sadyang mainipin ako kaya ayun una at huli lang ang napanood ko, kaya di ko alam noon kung sino nanalo. Binalita na lang sa akin ng kapatid ko kung sino ang nanalo. Kasi siya nanood, personally hehe! Di naman ako umaasang mananalo pero baka sakali lang kaya pinapunta ko siya. Congrats pala sa WarpZone - mukhang di pa niya alam na nanalo na siya. Nahihiya nga ako sa kapatid ko kasi di naman ako nanalo, pinagod ko pang pumunta. Well, siguro there is just a longing for me na to win something na maipagmamalaki ko sa iba. Anyways, I still won the best trophy, my baby Ize and my beloved wife - they are my greatest reward ever and I thank God for that. I also would like to thank my sister Candy and auntie Racquel who supported me - feeling panalo hahaha!

Oct. 6,- "Ahon" Poetry Night. Ito ay isang gabing tulaan, alay sa mga nasawi ng bagyong Ondoy. Ito rin ay isang sama-samang pag-oorganisa ng KM64, Bayan Muna Party List at ng Filipino Writer na tampok ang FW prendsters na sina Rom Factolerin, Paul Roqia, Patrick Orquia, Kislap Alitaptap at ni Noid ng FW. Wala man ako sa event na ito ay naging tampok naman ang tulang gawa ko. At nagpapasalamat ako kay Patrick Orquia sa pagbigkas ng aking tulang - Sa Ngitngit ng Iyong Galit. Masaya ako at may naibahagi ako sa event na ito.



To summarize, blessed ako sa mga pribilihiyong meron ako sa kabila ng malayo ako sa pamilya ko sa Pinas. Nakatulong kami sa pamamagitan ng mga donasyon at nakapag-alay pa ako ng isang tula para sa ating mga kabayang pinasakitan ng bagyong Ondoy. At blessed din ako dahil kahit di ko na halos pinagtutuunan ng pansin ang mga award-awards na tulad ng PEBA at Philippine Blog Awards ay napapansin naman pala nila ang aking mga nagawa. Masaya na ako na naibahagi ko ang mga nagawa ko at mabasa ng iba.

3 comments:

Life Moto said...

to be a finalist ay panalo kana. Doon pa lang congrats. Si Pope ng Palipasan ay finalist din. I don't know kung nanalo sya.

Meron pa nmn PEBA at next time sa PBA.

DRAKE said...

Bro Congrats uli. Being a finalist is an honor bro. Ako nasa kategorya kasi ng Personal Blog. Malay ko bang milyon ang katunggali ko dun!hahaha! Basta bro congrats pa rin. May PEBA pa!

Tungkol naman sa ating mga kasamahan sa FW, sobrang proud talaga ako sa kanila. Grabe!Pakiramdam ko nasa grupo tayo ng mga matatalino at talentadong mga tao. Kaya sobrang proud ako sa FW. At ganda ng tula mo bro.

Ingat lagi!

Noel Ablon said...

@Drake - Sana nga sa same criteria ka sumali, malamang di ako ang napili - malamang ikaw haha! or baka kasama ka at ikaw pa nanalo. Di bale there is always a next time.

@lifemoto - tama ka, panalo na ang mapabilang sa finalist. Si Pope pala ang sa Palipasan. Congrats to you as well.

Thanks for dropping by guys.