Tuesday, October 6, 2009

Sa Ngitngit ng Iyong Galit - Tula para sa mga nasalanta

Batid mo ang hirap ng aming bayan,
ngunit kami'y di mo nilubayan.
Iyong pinatunayang walang mahirap o mayaman.
Sa ngitngit ng iyong galit, kami'y walang laban.

Paano ang aming mga minamahal
mga ama, anak, inang binawi ng Maykapal?
At iyong pinatunayang buhay ay may katapusan.
Sa ngitngit ng iyong galit, maririnig aming tangisan.

Ano nga bang mensahe ang iyong hatid
sa bawat hagupit ng iyong hanging walang patid?
Iyong pinatunayang pwede pala kaming magtulungan.
Sa ngitngit ng iyong galit, kapit-kamay kaming magdadamayan.

Marami ang nawalan, maraming nasaktan,
Marami ang talunan, luhaan at nagdaramdam.
Ngunit aming patutunayan, kami'y binuklod at kami'y iisa.
Sa ngingit ng iyong galit, kami'y aahong may bagong pag-asa.



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

6 comments:

2ngaw said...

Wow!!namiss ko paggawa ng mga ganyan ah...

Pero tama ka, nagkakaisa nga ang lahat at nagtutulong tulong...Yun nga lang, sa ganitong panahon lang ba talaga lalabas ang kabutihan na nasa loob ng bawat isa sa atin?

DRAKE said...

Pre ipapadala mo ba yang tula mo na yan? Sayang wala tayo dun! Sana marami makapunta para marami rin tayong matulungan!

Ingat

Noel Ablon said...

salamat mga igan.

@Lord CM - tama ka sana nga di lang sa panahon tayo nagtutulungan. Ang sabi nga sa mga forums eh. It brings out the best and worst in us.

@drake - Oo, pinadala ko na yan kay Kuya Rom. Sana kung nandoon tayo ay malamang palabasin tayo sa gulo natin ahahay!

@rhea stone - thanks sa mga corrections.

The Pope said...

Nice poem, sa kabila ng kalamidad, muling pinagbuklod ang damdamin ng mga Pilipino na magkaisa, magtulungan at sa pamamagitan ng pananampalataya ay umaasang makaaahon paghihirap at buo ang loob na haharapin ang naghihintay na bagong umaga.

Noel Ablon said...

siyang tunay Pope. Sana ay hindi matapos ang pagtutulungan kapag naka-ahon na ang iba at sana wag rin mamihasa ang iba.

Art Voyeur said...

ganda. alam mo bang kanina sabi ng mom ko na may mga probinsyang nakalako ng maraming gulay coz for the first time sa kanila kumuha ang ilang suppliers. sa kabila ng lahat ng mga nawalan, at marami sila, may ilang nagkaroon. salamat pa rin sa Diyos. -- moreducation.weebly.com