Ikaw ay imbitado!
Ang FilipinoWriter.com ay iniimbitahan ang sinuman sa isang gabing tulaan bilang paggunita at pagtulong sa ating mga kapwa na nasalanta ng bagyong Ondoy.
Kung maaari ay magdala lamang po ang bawat isa ng kahit na anong donasyon.
Makakasama sa pagbigkas ng tula sa gabing ito ang mga sumusunod:
Paul Roquia
Patrick Orquia
Kislap Alitaptap
Rom Factolerin
Iniimbitahan din ang sinumang nagnanais na magbigay alay sa pamamagitan ng isang tula.
7 comments:
hey i have a poem... do you know somebody who's going to the event... i hope they can read it...
http://roanne0823.blogspot.com/2009/09/keep-your-heads-up-philippines.html
ok yan bro , poem for a cause!
@roanne, oo halos kilala ko lahat ng mga poetry readers. Sige bigay ko yung link ng poem mo at sabihin ko gusto mong ibahagi ang iyong tula.
Kaya lang di ko alam kung merong magbabasa kasi marami halos ang di makakaattend sa event na ito dahil sa baha. Sana magbago ang ihip ng hangin. Kahit ako ay nagnanais na maghandog ng tula pero try ko pang tapusin.
@life moto - oo nga eh. Sayang at wala ako sa Pinas para sana maka-attend. First time ko sana. Nakaka-challenge kasi I haven't been in any gatherings like that.
Thanks sa pagdaan.
ayos to. poetry for a cause. good luck s event na ito. sana marami kayong matulungan..
Wow kasama pala sila kuya Rom, Paul, Patrick at Kislap! Sa Powebooks ba uli yan!
Astig yan, sayang wala ako dun pero sana maraming makapuntang tiga FW,hehhehe
Ingat
pareng drake, oo sila nga pero hindi ito sa Powerbooks. Sa Conspiracy bar po ito.
Sayang nga at wala tayo. Pero kung nandoon tayo isa lang ang ibig sabihin noon. Kasama tayo sa nakaranas ng baha hehe.
wag mo na lang i post (thanks)
roanne patulan
architect
macau
parol
Umiihip ang hangin
nababalot ng dilim.
Malungkot na kapaligiran
paano pasasayahin?
May mga naghihinagpis
Mayroon din namang nagsasaya
Ngunit ang tanong ng marami
Pasko paano na?
Nauuhaw, nagugutom
Giniginaw, namimilipit
San kaya sisilong daan-daang
nawalan ng bahay sanhi ng hagupit.
May parol pa kaya
silang maisasabit
Kung ang kanilang kapaligiran
ay nababalot ng pait?
Nakikita mo ba o
nararamdaman man lamang?
Ang sigaw nila
na humihingi ng iyong dalaw.
Napapansin mo ba o
nagbubulagbulagan?
Sa mga hinagpis
ng iyong kababayan.
Mapalad ka
ngayong kapaskuhan ,
may parol, regalo at
handa sa hapagkainan.
Sila kaya,
saan pupunta?
Saan magsasalo
ang nawalan ng pamilya?
Umihip ang hangin
Nabalot ng dilim
May parol pa bang nagsabit
Sa bahay na balot ng putik?
Post a Comment