Sunday, September 27, 2009

Naghihintay Sa Iyong Tinig

Ano ba sa iyo ang aking tinig?
Tulad ba ito ng isang magandang himig?
Na gaya ng isang bagong awitin,
Patuloy na pakikingan at uulit-ulitin.


Ibig kong malaman mo,
Na ang tinig mo'y tulad ng isang salmo.
Na patuloy na nagbibigay kasiyahan,
Sa puso kong nagdurugo at luhaan.


Ikaw na aking anak,
Ikaw na tumawag sa akin ng may galak.
Nais ko sanang patuloy na marinig,
Ang iyong hinaing, and iyong magandang tinig.


Sa tuwing nasasambit mo ang ngalan ko,
Puso ko'y lumulundag, naghihintay sa sasabihin mo.
Narinig ko ang lahat ng iyong binanggit,
Kaya't sa iba'y wag kang mainggit.


Wag ka sanang magagalit o malumbay,
Kung ang iyong hiling ay di ko ibinigay,
Pagka't may plano ako para sa'yong inilaan,
Na mas hihigit pa sa iyong kahilingan.


Kung patuloy kang sa akin ay humimlay,
Makikita mo ang kaloob kong tagumpay.
Ikaw na aking minamahal na anak,
Wala akong hinangad kundi ang iyong galak.


Ano ba sa iyo ang aking tinig?
Tulad ba ng isang salmong puno ng pag-ibig?
Anak, nandito ako't nagmamahal, umiibig,
At laging naghihintay sa iyong magandang tinig.



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape


====

Ang tulang ito ay alay ko sa lahat at higit sa ating Panginoon. Nawa ay muli niyang marinig ang ating mga hinaing at tinig. Nais ko rin itong ilaan sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Tayo ay maglaan ng isang panalangin para sa mga nasawi ng bagyong ito at kung meron kayong maitutulong na kahit magkano o mga relief goods ay DITO matatagpuan ang mga relief centers and volunteers o hotline kung paano sila mako-contact. Salamat Life Moto sa info. Heto ang complete link: http://spreadsheets.google.com/lv?key=tBMVeBvbdAtYRaRB6ErFWnA&toomany=true

God bless to all.

0 comments: