Friday, September 4, 2009

Nag-litter ako sa SM-North Edsa

Nung nakaraang linggo ay napunta kami ng SM North at natuwa ako sa dami ng mga bilihan ng mga sago't gulaman. Pati ang classic Zagu ay di pa rin namamatay. Kaya naman akong si balik-bayan ay na-engganyong bumili ng mga Zagu na yan.

Nang matapos kong ma-enjoy ko ang isang malaking baso ng Zagu ay naghanap na ako ng basurahan kung saan ko ilalagay ang plastic na basong aking na-enjoy. Namulikat na yata ang paa ko sa kalalakad sa buong SM North Edsa ay wala akong makita ni isang basurahan ng SM. Anak ng kwek-kwek naman oh! Nung isang araw lamang nanggaling ako sa Walter Mart na medyo pipitsugin ang dating pero meron silang basurahan samantalang ang sikat na sikat at nagdadamihang branches na SM ay ni isang basurahan ay wala akong nakita.

Nang mapagod ako ay napa-upo ako sa isang tabi ng cafe at doon ay sandaling nagpahinga. Inilagay ko sa aking tabi ang aking basurang plastic na baso. At nung ako ay maka-receive ng isang message mula sa aking commander-in-chief ay dali-dali akong tumayo upang tumungo kung saan ko siya ime-meet. Magkasama na kami ni misis ng maalala ko yung aking basura - honestly, na-guilty ako pero in a sense natuwa ako dahil nakabawi ako sa hirap na dinanas ko sa paghahanap ng basurahan. Pero di talaga ako sanay nang magtapon sa basura sa hindi dapat pagtapunan. Kung nababasa ito ng SM managers, sensiya na po. Suggestion ko lang po, kahit sa mga entrances at exits lang ay maglagay kayo ng basurahan. Saan niyo po ba inilagay ang dati niyong mga nagga-gandahang basurahan?

8 comments:

Life Moto said...

You are guilty beyond any reasonable doubt :) well it is a good suggestion yan bro.sana makarating sa SM waste and disposal management. akala ko may bagong commercial ka ssa Zagu! hehehe

DRAKE said...

Pre yung pasalubong ko ha! basta wag basura ha!

Ingat dyan sa pinas

Superjaid said...

oo dapat ngang dumami ang trashcan nila dahil lumaki ang sm north, pero ako di pa naman nahirapan sa paghahanap ng trashcan palibhasa kasi kung saan ako bumili dun din ako kakain, hehe

Trainer Y said...

true un!
nung minsang naglilibot din ako sa SM north... naghahanap din ako gn basurahan nun... ( bukod sa di ko rin mahanap yung pagkikitaan namin nung taong kausap ko hihihi)
napagod na ko't lahat wala pa rin akong nakita

napadaan lang po

Nebz said...

I think nasa labas ng mga entrances. Hindi ko rin alam kung bakit at nalaman ko lang dahil sa labas ang smoking area.

Ako naman I normally go to foodcourt area dahil I'm sure doon madaming basurahan.

You're pardoned. Just say one Our...wag na lang, magko-commit pa ako ng blasphemy!...pasalubong na lang! Hehe.

Francesca said...

Pinulot ko na at tinapon for you, ANDUN din ako sa SM north edsa that day eh, hehehhe.

kesa naman balikan mo pa, so oks na, abswelto ka na.

lagi din kami naka zagu ni Lolo bah! buko pandan favs ko!

Unknown said...

Ako rin pinalaki na maging malinis and one way of practicing that is proper waste disposal. I noticed that, too, sa ibang malls where parang minsan wala kang matapunan. Kahit sa labas minsan wala rin. Whenever that happens, if the waste is dry and I could put it sa pockets ko, I do so. 'Pag 'di naman, I surrender it sa pinagbilhan ko and tell them na pakitapon sa "private" basurahan nila kasi di ko makita eh. Private LOL. http://moreducation.weebly.com/index.html

Noel Ablon said...

Maraming salamat Francesca. Atleast wala na yung guilt ko hehe. Well, nakakita rin pala ako sa wakas ng basurahan. Nakita ko ito sa gawing baba, malapit sa kanilang hardware section at mga binebentang sofa.

Kaya kung meron kayong mga basura, hanapin niyo lang iyon sa baba.