Minsan ay nakapanood ako ng isang pelikula at narinig ko ang katagang American Dream. Naisip ko tuloy, ano ba itong american dream na ito at bakit walang Filipino Dream? So nag-research ako.
Ayon sa google, ang american dream ay isang goal ng isang amerikano na magkaroon ng matiwasay at maginhawang buhay. Teka, hindi ba't ito ay panalangin ng karamihan din sa ating mga Filipino. Pero teka, ano nga ba ang panalangin, hangad o pangarap ng isang Filipino?
Kung ako ang tatanungin, isa sa mga pangarap ko ay ang magkaraoon ng sariling lupa at sariling bahay. Sa tulong ng Panginoon at ng mga minamahal ko ay natapos kong bayaran ang lupang aking kinuha. At ang isang ikinagagalak ko pa ay ang makatulong sa aking ina na siyang tumulong upang makamit ko rin ang aking mga pangarap. Natulungan ko siyang mabili ang lupang katabi ng lupang aking nabili.
So ibig sabihin noon ay bahay na lang ang kulang. Unti-unti man ay nakakamit ko rin ang aking mga pangarap at higit ko itong ipinasasalamat sa Panginoon.
Ano pa ba ang isa sa aking mga pangarap? Magkaroon ng isang maayos na negosyo sa ating bansa na maaaring bumuhay sa aking pamilya na kahit wala na ako dito sa mundong aking inaapakan ay nakatutulong pa rin sa kanila.
Isa pa sa aking mga pangarap ay ang maipasyal ng ibang bansa ang aking ina. Alam ko kahit na hindi niya ito sinasabi sa akin ay ramdam ko ang pagnanais niyang makalabas din ng ating bansa.
Ang ilan sa mga ninanais ko ay hindi na ganoon kahalaga pagkat ang iba ang karangyaan na kaya itong mahahalagang bagay na lamang ang aking binigyang pansin.
Kung gayon, meron nga bang Filipino Dream? Kung meron ay ano-ano ito?
Sa aking palagay, alam kong hindi tatanggi ang iba pag sinabi kong meron ding Filipino Dream at generally sa mga pinapangarap ko ay pangarap din ng karamihang mga Filipino. At hindi mawawala dito ang pagtulong sa kanilang mga magulang.
Payong kaibigan, mangarap ka (ika ng After Image) pero pilitin mo itong abutin. Mabuhay tayong mga Pinoy na nangangarap at nawa ay makamit ng bawat isa ang kani-kanilang mga pangarap.
Tuesday, September 15, 2009
Filipino Dream
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Filipino dream? Siempre meron!
Katulad mo, ang lahat ng Pilipino ay nangangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa. Ang maingat ang pamumuhay ng mga mahal sa buhay. Mapag-aral ang mga anak sa mahusay na institusyon. Magkaroon ng sapat na salapi para sa pampagamot. The list is endless.
Hindi ko sigurado kung hanggang ngayon ultimate dream pa rin ng Pinoy ang makapunta sa Tate. But I'm sure mas malaking bahagdan pa rin ang may ganyang pangarap.
Pareho din tayo ng plano: I hope I can let my family travel outside the country.
Ang lahat naman ng katuparan ng mga bagay ay nagsisimula sa pangarap...
Yeah. Dapat pagsikapan ang Filipino Dream! Patuloy tayong mangarap at magsumikap :)
Naniniwala ako na ang bawat Filipino NA MAy pangarap at inaabot nya ito ay masasabing Filipino Dream.
I Agree with you bro. NIce suggestion Filipino Dream!
Post a Comment