Thursday, September 24, 2009

Extended Vacation!

Kataapos lang ng aming vacation galing ng HK at ng Pinas tapos pagdating namin dito ay Ramadan Vacation pa, so extended ang bakasyon namin - haaay! nabuburo na ako! Marunong pa ba akong mag-program hehe!.

Malapit na rin ang pagtatapos ng aming bakasyon. Almost two weeks din akong na-stay dito sa Jeddah na di nagta-trabaho, sana pagpasok sahod na para atleast merong pera - naubos lahat sa Pinas ang polus namin (polus - pera in arabic).

Kanina pala ay bumili kami ng mga bumbilya at kung ano-ano pang electronics na dapat palitan na sa bahay at bumili rin kami gatas ni Ize (tatay na tatay na talaga). Nakakatuwa kasi kumain kami sa Applebees at nanalo kami ng cellphone. Di naman kagandahan ng cellphone pero atleast we won something di ba? Nokia 5030 RadioXpress ang napanalunan namin. Nawala yung cellphone ni mommy sa Pinas (my wife, mommy tawag ko - sweet no?) at ito ang kapalit - galing ni Lord. Thank God.

Thank you nga pala sa mga kaibigan namin diyan sa Applebees, malaki talaga nagagawa ng mga kaibigan hehe. Sayang sana TV nakuha ko na 32 inches hehe pero atleast we still won something. Meron pa kaming kanta from the cast este fromt the crews. Heto ang pictures ng event kanina.




Muli ay nais kong magpasalamat sa mga kaibigan namin sa Applebees. Teka before magtapos ang blog-blog kong ito ay nais kong magbalik-tanaw. Ano nga ba ang nangyari for this past few days?

Well, siyempre di mawawala ang family time since dito lang kami sa bahay. Nakalabas din kami, nakapag-swimming pa kami sa South Obhor with our dear brothers and sister in Christ. Ang saya din ng event na iyon. Kare-recover ko palang mula sa pag-itim ko sa Hongkong ay nadagdagan na naman ang kaitiman ko, lalo ang baby naming si Ize. Well, hinayaan lang namin siyang mangitim since dito lang naman siya sa bahay at siguradong puputi ulit siya, ayaw naman naming ma-spoil yung fun nung bata di ba - minsan-minsan lang kami mag-dagat eh.

Haaay! God has trully blessed us once again with fun this vacation. It is always a blessing to relax after a period of tiring jobs. God bless to everyone and have a great vacation this Ramadan. Eid Mubarak!


4 comments:

DRAKE said...

AHALENNNNNNNN!

Maligayang pagbabalik at congrats sa bago mong cellphone! Back to work na naman!ako baka sa december umuwi tapos one week ako sa singapore at malaysia para mag-ubos ng pera este mag relax.

ingat

Life Moto said...

Bro congratulation at isa ka sa mga finalist sa PBA 09.

More power and have a nice bloggings.

The Pope said...

Congrats for winning a new cellphone and for making it into the PBA 2009 Finalist.

Count your blessings and God bless.

Nebz said...

Ahlan, ahlan!

Welcome back and double congratulations! (Ni minsan, hindi pa ako nanalo sa kahit anong raffle sa kahit anong promo ng mga resto rito sa Saudi! Hehe).

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...