Nung thursday dapat ay lumipad na kami ng aking pamiya papuntang Hong Kong ang kaso yung naglalakad ng papel ko ay petiks mode at masyadong kampante na matatapos niya yung proseso ng aming papel ng isang araw lang. Mga ilang araw bago ang flight namin ay araw-araw akong tumatawag sa opisina upang ipaalala ang aming papel, sabi ko ay agahan ang pagpunta para kung may problema ay may oras pa sila para ayusin yung problema. Pero talagang kampante ang naglalakad ng papel namin kaya nilakad niya ang papel namin nung araw bago ang flight namin. Tulad ng inaaasahan, nagkaroon ng problema at hindi na nga nagawa ang aming papel. Meron daw problema kaya kailangan habulin yung isang branch ng Jawazat at heto pa nilakad yung papel mga 11am e hanggang 2pm lang ang government office so tulad din ng inaasahan hindi niya na naabutan ang kabilang opisina ng jawazat at ang kawawang pamilya ko ay di nakalipad sa dapat sanang flight namin.
Nagbayad tuloy ako ng extra na 1000SR+ (13,000 Pesos +) para sa rebooking ng hotel at rebooking ng mga ticket namin. Fees lang po iyong para sa pagbago o pabkansela ng mga booking namin. Nakakalungkot talaga at disappointing. Magpa-hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ay nakakasama talaga ng loob. Di naman nila babayaran yung pagkakamila nila kundi ako din.
So anong gagawin ko? Magmumukmok? Well, wala ding magagawa ang aking pagmumukmok pagkat nandoon na iyon, ika nga "the damage is done!". Gusto kong mag-wala pero kahit gawin ko iyon ay alam kong wala ring mangyayari at malamang lumala pa ang kaso. Talong-talo talaga. Para tuloy nagmumukhang nagbayad ako para sa bakasyon ko.
Well, gusto ko lang ihinga ang aking sama ng loob. Actually, marami-rami na ring sama ng loob ang naidulot ng kumpanya ko sa akin pero hindi ko na pinapansin yung iba. Ito lang latest ang medyo mahirap tanggapin pagkat ramdam ko talaga ang hirap na dinanas ko para makamit ang bakasyon ko.
Going back, apply pa lang ako ng vacation ay katakot-takot na hirap na ang dinanas ko. Andiyan papirmahin ko ang mga taong involve sa projects namin. Ang mahirap doon ay yung tao ay talaga namang mahirap hagilapin at napakalayo pa ng kanilang opisina - wala akong sasakyan at ang taxi ay 25SR (318 Pesos according to google), papunta pa lang iyon at pabalik ay ganun din.
Bago ko pa natapos ang pagpapapirma ay nawala na sa pwesto yung taong dapat na pipirma. Ganun kahirap hagilapin yung tao hehehe! Mahaba talaga ang kwento ng pag-apply pa lang ng vacation at mahirap paikliin basta isipin niyo na lang ginawa akong pingpong para lang makakuha ng approval sa vacation ko.
Ano bang maganda ang natamo ko sa aking mga kinaharap na hirap?
Well, in a way maganda rin na na-delay ako dahil sa nakatulong pa ako sa church namin na magawa yung mga kailangan para sa anniversary ng church. Nakabili pa ako ng ilang mga pasalubong. May na-remind sa akin ang aking experience.
Ano yung na-remind sa akin?
This is good. Actually, alam ko na ito noon pa pero nalilimutan natin ito minsan. Naramdaman ko kailan lang ng magpakawala ako ng pera for nothing. Talagang lungkot at galit ang naramdaman ko kasi hindi ko naman kasalanan ang lahat kundi sila at ako ang magbabayad. Pero in a good sense ano kaya kung positive ang tinungo ng pera ko.
Nasubukan niyo na bang magbigay ng tulong na ramdam niyo talaga? Ang ibig kong sabihin ay ganito. Kung magbibigay kayo ng limang pisong tulong sa isang bata o 100 pesos na tulong sa isang kapwa, ramdam niyo bang nakatulong kayo? Di ba hindi? Bakit kaya?
Explanation.
Kasi ang 100 pisong tulong na naibigay niyo ay barya lamang marahil sa inyo o mga sukli sa inyong pinagbibili. Paano kaya kung ang perang iyong ibibigay ay talagang inilaan at talaga namang mararamdaman mong may nawala sa inyo? Yung tipong sisimangot ang isang politiko pag pinakawalan niya ang halagang iyon na hindi naman siya ang makikinabang.
Isa pang napakagandang bagay, ano kaya sa tingin niyo ang pakiramdam ng taong umaako ng kasalanan ng iba? Yung nangyari kailan lang sa akin ay talaga namang siguro kahit sino ay maiinis, magagalit. Pero naisip ba natin kung ano ang naramdaman ng Panginoong Hesus nung inako niya lahat ng kasalanan natin at magbayad nito?
Hindi ko sinasabing dinanas ko na ang hirap na dinanas ng Panginoong Hesus pagkat hindi mapapantayan ang hirap na dinanas niya. Ang masasabi ko lang ay, naranasan kong magbayad para sa ginawang pagkakamali ng iba at ang hindi ito naging katanggap-tanggap sa akin.
Naranasan kong magbigay ng malaking halaga para sa aking sariling kapakanan at walang kabuluhang bagay at lungkot at galit ang naging resulta nito. Paano kaya kung ibinigay ko iyon sa Panginoon? Ramdam ko rin sigurado ang mawalan pero alam ko at ramdam ko na nakatulong ako sa kanyang mahalaga at banal na gawain.
Isa lamang itong repleksyon sa aking ispiritwal na buhay. Nawa ay naging aral din ito sa bawat isa. God bless po sa lahat.
Sunday, August 9, 2009
Delayed!
Romans 8:28
And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are the called according to his purpose.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
oo kapatid, isa sa mga motto ko sa buhay...
"To be happy is a choice" kahit na sangkaterba ang kakulitan ng mundo sa atin... pwede pa rin nating piliin ang maging masaya...
Pero ingat ingat ka lang din dahil baka mapagkamalan ka namang buwang niyan... hehehe. I learned kasi na when you are with God, Joy is always in your heart...
Di naman joy ang pangalan ni misis hah?
salamat sa exchange of links!
Ang alam ko walang bayad ang rebooking ng ticket pwera na lang mahal ang ticket sa pinagbaguhang date. Ang Hotel Reservation naman, kailangan mo itong i-cancel 24 hour kung hindi isang gabi ang charge dito. Ang laki naman ng pinagbayaran mo, misan kasi pagalingan lang yan sa pagsasalita. (master kasi ako sa hotel and flight reservation)
Anyway, dapat kumpanya mo ang nagbayad nyan hindi ikaw, kasi sila ang may kasalanan. Hindi ko alam kung bakit pumunta pa sila sa Jawasat (kung wala namang problema ang passport) kung exit-reentry ang dahilan alam ko 24 hours yun bukas. Hindi kaya gingudtaym ka lang ng HR nyo.
Basta sana matuloy na rin ang bakasyon nyo. Ingat
May problema kasi bago daw ang mga passports namin ni misis kaya walang information doon sa bagong passport at kailangan ilipat iyon from luma. Di ko alam kung paano yun.
Yung sa Hotel ganun na nga isang gabi nga ang bayad namin. Yung sa ticket re-booking meron ang Cebu Pacific 300HKD each, mapabata o matanda.
Dinagdag ko na rin yung naging increase ng hotel rooms. Kasi doble ang naging rate nila para sa bagong schedule namin. Nung unang reservation namin ay umabot lamang kami ng 1020 HKD pero nitong sumunod ay 2020 HKD na kaya naman talaga nakakainis. Pati yung ibang hotel ay tumaas na rin ang rate at yun pa rin ang pinakamababang hotel rate.
Maraming salamat sa inyong pagdalaw Yanie at spike(drake). Tama it is a choice to be happy. Happy pa rin ako kasi kasama ko naman ang family ko at tuloy pa rin ang bakasyon, delayed nga lang.
Thank you ulit.
there's always joy in giving;
but to those who deserves it.
Like sa isang scavenger, asking us one time one euro to buy coffee because he is cold. My husband gave one euro'(65pesos) and the beggar said, it will help him to have a smoke.
My husband took it back from him, the man got angry.
My husband said, you dont deserve this one euro, I will resrve it to someone else who deserves it.
SMOKING IS BAD
Post a Comment