Sa tuwing maaalala ang sugat ng nakaraan,
Mga kirot at siphayo sa buhay kong naging patapon.
Sa murang edad, mga hirap ay sinapit,
Puso'y natutong dumaing, natutong maghinanakit.
Kinagisnang buhay, wasak man ay aking inunawa
Pait ng buhay, pilit kong nginuya.
Bakit kailangan mawasak pati ang pamilya
At magpalipat-lipat sa piling ng bawat isa.
Dalisay na buhay, saan ka matatagpuan?
Tanong na nabuo sa'king murang kaisipan.
Saan at hanggang kailan ako aasa?
Sa buhay na inaasam o sa bagong pag-asa.
Sa paglipas ng panahon,
Kaakibat ko'y aking wasak na kahapon.
Sa Diyos na mahabagin,
ako'y natutong manalangin.
Sa buhay kong dating patapon,
Dulot ng lamat sa'king kahapon,
Ngayo'y nagsilbing hamon, aral at inspirasyon,
Salamat kahapon, salamat sa bagong "ako" ngayon.
0 comments:
Post a Comment