Tuesday, June 9, 2009

Bestfriends

Dali-daling tinungo ni Noel ang cafeteria. Doon ay naghihintay ang matalik niyang kaibigang si Patrick. Makikitang balisa ito at di mapakali, pilit na iniimpit ang kanina pang naghihimagsik na damdamin. Gusto niyang umiyak at humagulgol pero di niya ito ipinahalata.

Pagdating ni Noel ay kinamayan siya nito. Yumakap pa ng sandali si Patrick bago inilabas ang kanyang niloloob.

‘Pare iiwan na ako ni Fran!’ at nangilid na ang luha nito.

‘Ano ginawa mo at nasa ganito ka na namang sitwasyon?’ pag-alalang tanong ni Noel sa kaibigan.

‘Pare actually meron talaga akong kasalanan. Naaalala mo si Sinta? Nagkita kami nung minsan sa isang bookstore at naka-kwentuhan ko siya. Inihatid ko siya sa pad niya at doon ay may nangyari sa amin. Pare di ko matanggihan. Matatanggihan ko ba ang dating sex symbol ng ating klase.’ may halong pagyayabang ni Patrick.

‘May tama ka pala eh. Alam mo namang ever since pa eh meron ng competition sa dalawang iyon. Di mo nga mapagsasama sa isang kwarto ang dalawang iyon ng walang gulong mangyayari eh, tapos siya pa pinatulan mo. At paano naman nalaman ni Fran ang lahat?’ tanong ng kaibigan.

‘Pare lalake ako at di ko matatanggihan ang biyayang katulad noon. Nag-iwan ba naman ng voice message e di naman ako marunong mag-check nun, si Fran ang medyo gadget freak kaya alam niya yun. Siya ang pinag-operate ko at narinig niya ang lahat. Shit! Bakit ba naman of all types of communication eh – voice message pa ang ginamit.’ Inis na sabi ni Patrick.

‘Pare! Yan ang hirap sayo eh. Pag bayag mo na ang nakataya, lahat isusugal mo pati asawa mo.’ inis na sabi nito kay Patrick.

‘Pare naman, akala ko ba kampi tayo?’ pagsusumamo ni Patrick.

‘Ano ngayon gusto mo mangyari? Gusto mong kausapin ko ulit si Fran na magpasuyo na sa’yo at bigyan kang muli ng pagkakataon?’ inis na tanong ni Noel.

‘Please pre! Pakiusap! Sa’yo lang naman nakikinig yun pag mga ganitong pagkakataon eh. Tatanawin kong malaking utang na loob ulit ito sa’yo.’ Pagmamaka-awa ni Patrick.

**
Si Fran ang pangatlo sa kanilang grupo ng mga magagaling sa klase noong high school pa lamang sila. Dahil sa kanilang husay at kasipagan sa pag-aaral ay pinagsama ng pagkakataon ang tatlo. Sa simula ay tinuring na balakid ang turing ng magkaibigang Patrick at Noel sa magandang si Fran. Isa sa mga kalaban sa honor roll.

Dahil sa ang tatlo’y madalas magkasama sa quiz-bee ay naging malapit ang tatlo sa isa’t-isa. Naging mag-tropa ang tatlo at naging matalik na magka-kaibigan pa ang mga ito. Maging ang kanilang paghiwa-hiwalay noong sila ay college ay hindi naging sagabal sa kanilang samahan.

Nanatiling matibay ang samahan. Sa gitna ng pagkakaibigan ay namuo ang pagka-karibal ng dalawa sa puso ni Fran. Si Patrick na likas na komikero’t palatawa at komedyante sa grupo ang siyang nagpa-ibig sa dalaga. Tumagal ang relasyong Patrick-Fran, on and off man ito, sa tulong ni Noel ay napag-tagumpayan ang pagsubok sa relasyon nila hanggang sa umabot ito sa kasal.

Bukod sa pagiging komikero’t mahilig mag-patawa si Patrick ay gwapo pa ito at madalas na lapitin ng mga magagandang babae. Maka-ilang beses ng nahuli sa akto ito ni Fran at nabisto sa mga sulat at text messages pero sa tulong ng kanilang kaibigang si Noel ay nanatili ang kanilang samahan hanggang sa nitong huli.

**

‘He really feels sorry this time, Fran!’ dudugtungan pa sana ni Noel ngunit pinutol ni Fran.

‘Fuck him! Lagi ko na lang ba siyang patatawarin? Hindi mo ba alam ang nararamdaman ko ngayon? Gusto kong mag-himagsik, gusto kong gumanti sa galit ko sa kanya.’ Gigil na sabi ni Fran.

‘It won’t do anyone good, if you do that.’ paliwanag ni Noel.

‘I know! I just feel that way. Atleast malaman niya yung feeling ko, yung feeling ng betrayed.’ At nagsimula ng umiyak si Fran.

‘Sa tingin ko naman ay magtatanda na iyon. Patawarin mo na si Patrick. Marami na rin kayong pinag-daanan, wag mong sayangin yun.’ pahabol kay Fran na akmang tatayo na at aalis na. Nag-ayos ng buhok at saka pinahid ang mga luha, at bago pa ito humakbang...

‘Noel, hindi lang si Patrick ang kaibigan mo. Ako rin di ba? Ipagtanggol mo naman ako sa kanya kahit ngayon lang.’ pagsumamo ni Fran.

Tigagal si Noel sa narinig. Parang binuhusan ng malamig na tubig at natulala. Napa-isip at bumuntong-hininga. Nang makitang malayo-layo na si Fran ay humabol ito at hinawakan ang kanang braso upang pigilan.

‘Fran wait, listen. Atleast… be.’ Bago pa muling makapag-salita si Noel ay napigilan na siya ni Fran. Isang dampi ng mariing halik sa labi ang ibinigay ni Fran kay Noel.

‘That’s your reward for being a good friend to my husband.’ at sabay talikod nito.

‘Noon pa man alam ko na you have feelings for me but you were always taken for granted - sorry. Now, there isn’t a day I look back and say – sana ikaw na lang ang minahal ko.’ at tumuloy na ito sa paglisan.

Tulala si Noel at di makapag-salita. Di na niya nagawang habulin si Fran. Iginilid ang mga mata upang makita ang mga taong tulala rin sa nangyari. Nang maka-ilang hakbang na si Fran ay muli itong humarap sa kanya.

‘One more thing, if you wan’t to claim MY reward for you, I’ll be waiting for you at your place.’ Sabay kaway nito at ipinakita ang mga susi ni Noel.

Napakapkap na lang si Noel sa kanyang mga bulsa at saka yumuko tanda ng pagsuko.

**
‘Pare! Ano nangyari? Pumayag na ba siya. Bibigyan ba niya ako ng chance?’ excited na tanong ng kaibigan.

Matagal bago nakasagot si Noel, nag-isip ng malalim. Naghahanap ng sasabihin. Bumuntong-hininga.

‘She’s waiting for you, she’s at my place.’ Sabay hang-up cell at tungga ng Colt 45, pinahid ang luha sa mga mata at muling lumagok ng beer.

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape




3 comments:

Anonymous said...

ang ganda. ♥

hindi ko alam ang icocomment ko. hindi pa ko makaget-over. ang hirap maging bridge, ang sometimes, ang hirap maging mapagbigay... lalo na sa pagmamahal. ang sakit!!!!

eMPi said...

ang ganda naman ng kwentong iyan. true to life story ba yan?

Noel Ablon said...

@empi -Maraming salamat! Di totoo yan hehe! Pero this story ay actually pagsasalarawan ng sarili ko.

Dati kasi ako ang laging bridge gaya mo @rainbow box. Actually, it happened to me pero as GF lang at wala ring kissing scene hehe!

Minsan di mo maintinihan ang pag-ibig kung minsan mas gusto natin yung nasasaktan. Haaay!

Maraming salamat ulit.