Wednesday, December 10, 2008

Introduksyon

Ang Mahiwagang Baul ni Noel ay mga literaturang nilikha ni Manuelito "Noel" Burgos Ablon. Maaaring ito ay maikling-kwento o mga tula, o iba pang klase ng literatura na natutunan ni Noel.

Ang nais ko lamang ay marinig o mabasa ng iba ang aking mga naisulat, magbigay-aliw o magbigay inspirasyon sa mga nagnanais na maging manunulat na tulad ko. Sa tulong ng FWJ (Filipino Writer’s Jam) at FilipinoWriter.com, ang isang panaginip ay maaaring maging ganap – maraming salamat.

Computer Programmer sa isang pribadong kumpanya sa Saudi Arabia. Ako po si Manuelito Burgos Ablon o “Noel”, at ang aking mga naisulat ay inaalay ko sa aking pamilya, lalong higit sa aking maybahay na si Leah, anak na si Ize, at sa mga mambabasang Filipino.

Ang mga literaturang inyong mababasa sa blog na ito ay pawang kathang-isip lamang. Ako po ay nagpapasalamat sa inyong pag-bisita at sa oras na ginugol sa pagbabasa.

PAUNAWA: Paumanhin po, maaaring maglaman ng mga salitang di nararapat sa isang bata ang ibang literaturang matatagpuan dito. Patnubay ng magulang ay kailangan.


1 comments:

Mr. Thoughtskoto said...

Hi noel, this is PEBA team, can we ask your photo down at KABLOGS Station for the banner? Please email us at peba09@gmail.com if its okay.

Thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...