Tuesday, February 10, 2009

Birthday Gift 1

Ginising ng ingay ng kapitbahay ang himbing na si Noel. Asar itong napa-upo at tiningnan ang orasan habang kinakamot ang noo at nakitang mag-a-alas-tres na ng hapon. Tinanghali marahil sa kalasingan niya kahapon at madaling-araw na rin siya ng maka-uwi. Tumahimik ito ng sandali at nag-isip ng biglang may maalala ito at bumalikwas sa kanyang higaan. Pumanta ng banyo upang mag-hilamos. Kinuha ang pantalong nakasabit sa likod ng pinto ng kanyang kwarto at matapos ay humatak ito ng isang t-shirt at saka isinuot ang nakolektang damit.

Rinig pa rin niya ang ingay ng mga kapitbahay kaya sumilip siya sa bintana at nakitang may mangilan-ngilang tao rin sa paligid. “Tsismisan na naman.” isip ni Noel. Kumuha ng medyas at inilagay sa kanyang balikat at tinanggal sa pagkaka-charge ang cellphone at sinilid sa ito bulsa at saka bumaba.

"O saan punta mo? Kagigising mo lang alis ka na agad. Anong oras ka na nga dumating kanina at ngayon ay aalis ka na naman.” tanong ng nanay ni Noel.

“May exam po kami next week Nay, punta lang ako kay Tatay para kumuha ng pera pang-bayad ng tuition. Di daw ako pwede mag-exam pag di ako nakabayad doon sa 3rd quarter ko sabi ng registrar namin.” sagot ni Noel habang isinusuot ang medyas at sapatos.

Hiwalay ang magulang pagkat nag-asawa ng bago ang ama nito pero patuloy pa rin ang ama sa pagbigay ng suporta sa kanya. “Ano pong meron sa labas, Nay?” pahabol nito.

“Doon daw sa kabilang bloke sa may Langka St. Meron daw isang babae doon na-rape at pinatay. Kawawa naman yung babae birthday pa man din niya. Maganda raw yung babae.” sagot ng nanay niya.

Sandaling natahimik si Noel, napag-isip sa sinabi ng kanyang Nanay. Napabuntung-hininga at nalungkot sa mga pangyayari. “Pero sa ingay naman nila ay akala mo kapitbahay lang natin ito. Pwede po bang sa ibang tapat ng bahay na nila gawin yang ingay nila? DI sila nakakatulong, nakaka-sagabal pa.” asar na sabi ni Noel. Inis na umalis si Noel.

“Di ka man lang naligo!” sigaw ng ina. “Nay naman! Doon na ako maliligo kila Tatay.” pagmamadaling lakad nito upang maka-iwas sa traffic.

Habang naghihintay ng jeepney sa kanto ay luminga-linga si Noel. Pawang may hinihintay na dumating. Pero ng makatiyak na hindi na ito darating ay sumakay na siya sa dumating na jeepney, malungkot at nanghihinayang.

===

Nagising si Mang Kardo sa malamig na kung anong bagay na dumapo sa kanyang batok. “Hmm... sandali na lang, mga 10 minutes pa.” antok na himutok nito. Maya-maya ay nagising siya sa huni at pagaspas ng pakpak ng isang ibon sa bintana niya. “Aaak! Aaak!” huni nito.

“Putang-inang ibon to! Shooo!” bugaw ni Mang Kardo sa ibon at agad namang lumipad ang uwak na dumapo sa bintanta. Dahil nakatayo na nga siya ay nag-desisyon itong hwag ng ituloy ang naantalang tulog. Paglabas ng kwarto ay yumakap sa kanya ang kanyang mahal na anak na babae – “Happy Birthday, Dad!” masayang bati nito sabay abot ng regalo. “Thank you! Nag-abala ka pa.”

“Nag-abala pa kayo! hindi lang ako bumili niyan pati si Mommy!” tuwang sabi nito habang yumayakap naman ito sa inang lumapit.

Binuksan ito at natuwa. “Wow! Bagong relo at Seiko 5 na bagong model. Thank you-thank you. Hooo!” giliw na sabi nito. “From the bottom of our hearts and our shallow pockets hehe!” turan ng mag-ina ni Mang Kardo. “Suot mo na Dad! Tingnan natin kung bagay.” udyok ng anak. Tuwang-tuwa naman itong isinuot. Nakitang medyo malabo ang salamin ng relo kaya inapuhap nito sa kanyang bulsa ang kanyang panyo at matapos ay pinunasan ito.

Tuwang-tuwang itinaas ang kanyang bisig kung saan nakasuot ang kanyang bagong relo. “Hooo!” sigaw nito. May napansin siya sa panyong ginamit, hindi ito kanya - ito ay pang-babae. Nilapag ang panyo sa mesa at nakitang may nakasulat dito. “Happy Birthday!”. Pagkabasa ng mensahe ay ibinaba ang kamay at luminga-linga sa paligid. Nagulat ito ng may nakita itong kung anong bagay o nilalang sa pinto. Biglang sumikip ang hininga niya. “Dad” “Kardo!” sigaw ng mag-ina. Sinuntok nito ang dibdib, nagbabakasakaling makatutulong iyon ngunit walang nangyari. Nagdilim ang paningin at bumagsak sa sahig.

Biglang napatayo si Noel. “Grabe namang panaginip yun!” turan nito sa sarili. Maingay na naman sa labas ng mga oras na iyon. Ng bumaba si Noel ay agad binalitaan ito ng ina. “Alam mo ba si Mang Kardo, kanina ayun bumagsak na lang at patay. Inatake daw sa puso! Yan nga at nagkakagulo na naman sila.” pagbabalita ng ina.

Kinilabutan si Noel sa narinig. Kani-kanina lamang ay nananaginip siya. “Birthday po ba niya ngayon?” tanong ni Noel. “Oo nga kawawa naman, tuwang-tuwa pa man din daw si Mang Kardo sa bagong relong regalo nila Lagring at Sophia.” lalong kinabahan si Noel sa narinig.

“Ano ba yan, nung nakaraang buwan lamang ay may babaeng na-rape at napatay ng birthday niya tapos ngayon heto namang si Kardo at sa birthday din nya.” pangingilabot ng ina.

Di nya malimot ang pangyayari kahit ng siya ay papasok na sa eskwela at naghihintay ng jeepney ay naaalala pa niya ito. Hindi niya maipaliwanag kung paanong nangyaring napanaginipan niya ang lahat ng nangyari kila Mang Kardo. Nais niyang sabihin sa ina o sa ibang tao pero baka sabihan lang siyang nababaliw o wala na sa katinuan – “Mabuti pang manahimik na lang ako.” Luminga-linga siyang muli na pawang may hinihintay. “Siguro naglipat na yun.” sambit sa sarili matapos ay pumara ng jeep at umalis itong nanghihinayang at malungkot.

Ng humarurot ang jeep ay muling similip si Noel sa labas at laking tuwa nito ng makita ang kanyang hinahanap. Dumaan ito sa harap at lumampas at ng muling lingunin ay may nakita na itong nakaparadang isa pang jeep kaya di na niya ulit ito nakita. Bababa sana siya ngunit mahuhuli na siya sa klase. “Di bale, matityempuhan ko ulit siya.” masayang sabi nito sa sarili.

Lumipas ang isang linggo ngunit ang laging inaabangan ay di niya muling nakita. Naging dalawa at nasundan pa ng ilang linggo ngunit di nakita ni Noel ang laging inaabangan. Hanggang sa nagtanong na ito sa mga tao.

Sa kanyang pagtanong-tanong ay nalaman niyang ito pala ay yung babaeng namatay noon na na-rape at napatay. Liezel daw ang ngalan nito. Pero nakita nya pa ito ng minsan, nagisip-isip ito. Marahil namalik-mata lamang siya. Napag-alaman din niyang ang anak ng kanilang kapitbahay na si Rico, mayaman at ma-impluwensya ang isa sa mga nang-rape dito. Mula ito respetado at kinatatakutang pamilya sa lugar namin. Na-dismiss daw ang kaso gawa ng kakulangan ng ebidensiya at mga witnesses. Sino nga ba naman ang maglalakas-loob na kumalaban sa pamilyang may kakayahang magpatahimik ng kahit sino kung naisin nito. Naalala niya minsan daw ay merong isang lalaki, Jun yata ang ngalan nito. Nanggulo sa lugar nila dahil daw umano’y ginawang pangbu-buntis ng ama ni Rico sa kanyang may-bahay na labandera umano nila Rico. Ilang araw lang ay di na namataan ang lalaki o ang pamilya nito.

Gang-rape daw ang nangyari kay Liezel. Limang lalaki daw ang pumila at nang-rape sa magandang babaeng ito. Meron siyang naalala nung araw na nasabing napatay ang babaeng iyon ngunit malabo ang alaalang iyon.

Nanghinayang si Noel kay Liezel. Ang lakas pa naman ng dating nito sa kanya. Minsan na sana siyang maglalakas-loob na makipagkilala at mag-aya ng date dito pero na-torpe ang Noel. Naalala pa niya ang tagpo kung saan umuulan ng mga panahon na iyon at wala siyang payong. Lumapit si Liezel sa kanya at inayang sumilong sa kanyang payong.

"Shit! siguro kung naging girlfriend ko yun di nangyari sa kanya yun.” pangusong bulong nito sa sarili. “O di kaya malamang patay na rin ako hehe!” bawi niya habang umiiling.

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

0 comments: