“Una ay uwak at ikalawa’y paru-paro parehong itim. Panyong may nakasulat na Happy Birthday at sinulat ito na ang gamit ay dugo.” pag-iisip ni Noel. “Ang una ay kapitbahay namin dito sa Frisco del Monte, at sumunod ay sa bandang Fairview. Malayo... malayong-malayo.”
“Noel! Ano ba? Nung isang araw reklamo ka ng reklamo na ang lakas ng tulo ng kisame mo sa gilid kapag umuulan tapos di mo naman tinatawag si Ka Ilyong. Magaling daw na karpentero yun. Sinabi ko sayong pa-check mo na sa kanya. Wag ka ng tumunganga diyan, kilos! habang wala pang klase. Pag pasukan na ulit di mo na maaasikaso yan.” Utos ng ina.
“Opo sige pupuntahan ko po maya-maya.” Agad naming tugon ni Noel.
“Itim ay simbolo ng kamatayan at kahit saan mo idikit ito ay kamatayan pa rin ito.” Tahimik na pagmumuni-muni ni Noel habang nagbabasa ng isang tila aklat tungkol sa mga panaginip at mga simbolo.
==
“Noel!” hangos ng isang lalaki.
Nagtataka naman si Noel kung sino ang lalaking kaharap nito. “Kumusta na?” tanong ng lalaki.
“Ayos lang naman hehe! Ikaw?” alangang tanong ni Noel. “Pare, puta ka! Best friend mo di mo kilala?” sabay tapik sa balikat ni Noel.
“Juni! Ano nangyari sayo? Sobrang payat mo? May sakit ka ba?” alalang tanong ni Noel.
“Wala pre! May problema lang.” sabi ni Juni at matapos ay tumahimik ito. “Ganun ba? mukhang napakabigat ng problema mo at pumayat ka ng ganyan. Nandito lang ako pre! kung meron akong maitutulong.” sabay akbay sa kaibigan.
“Naalala mo ba noong January noong nag-inuman tayo nila Mang Kardo?” seryosong tanong ni Juni.
“Oo, sa totoo lang sobrang lakas ng tama ko di ko na alam kung paano ako naka-uwi hehe!” pag-alalang sagot ni Noel.
“Pare may nangyari noon sa inuman. Nung malakas na tama mo at bagsak ka na ay napadaan sa inuman natin si Rico at sumali sa inuman natin.“ pagpapahayag ni Juni. “Siyempre amo ni Mang Kardo si Rico kaya ayun di namin natanggihan nung sumali siya sa inuman. Tapos maya-maya ay dumating yung pinsan ni Rico na may dalang shabu at marijuana supplies para kay Rico. Pinasubok kami nung pareho. Sabog na sabog kami ni Mang Kardo. Rudy ang pangalan nung pinsan niya.” pagpapatuloy nito.
“Rudy, parang narinig ko na yun ah.” tanong ni Noel.
“Nabalitaan mo ba yung nangyari daw umanong shootout sa mga big-time drug syndicates sa Calderon? Sila yung mga napatay doon.” pagpapaliwanag ni Juni.
Kinilabutan si Noel sa pagpapahayag ng kaibigan. Ngayon ay medyo nauunawaan na niya ang koneksyon ng dalawang panaginip niya.
“Hindi yun actually ang problema ko. Wag mo na sanang sabihin ito kahit kanino ah, sayo ko lang sasabihin ito dahil best friend kita. Nakikiusap ako sayo na wag na wag mo itong sasabihin kahit na kanino dahil pag nalaman ito ng iba ay malamang dedo ako kay Rico.” pag-aalala ni Juni.
“Sige, wag kang mag-alala wala akong pagsasabihan. Atin-atin lang ito.” paniniguro ni Noel.
“Si Rico ang may pakana ng lahat. Umalis sila ni Rudy sandali at ng bumalik ay may dala silang babae na nakabalot ng punda ng unan ang mukha. Sabi nila mahiyain daw yung babae kaya ayaw magpakita ng mukha pero game daw ito sa sex. Yun din ang akala namin ni Mang Kardo noong una pero kalaunan ay nalaman ko na dinroga pala nila Rico at Rudy yung babae kaya di ito sumisigaw.” medyo naluluha na itong si Juni habang nagku-kwento.
“Pinagpasasaan nila ni Rico at Rudy yung babae bago ako pinasunod. Pare, alam mo namang kahinaan ko rin ang babae kaya ayun sumunod ako. Ang puti-puti , seksi at ang bangu-bango pa nung babae kaya libog na libog ako. Pero nung ako na at patapos na ako ay narinig kong umiiyak yung babae. Kaya di ko naituloy at nanlambot ako. Pinag-tawanan pa ako nung dalawa at tinukso. Bagay daw yung pangalan kong Juniper dahil pang-bakla daw.” umiiyak na si Juni sa kanyang pagku-kwento.
“Sumunod si Mang Kardo nung di ko natapos. At pagkatapos niya ay umulit pa si Rico at Rudy. Pare hindi ko alam na yun pala si Liezel, yung babaeng trip na trip mo , sorry pre. “ umiiling-iling itong lumuluha.
“Nung matapos na kaming lahat ay bagsak kami sa sobrang pagod at kalasingan. Akala ko nga ay pinakawalan na yung babae pero hindi pa rin. Nagising ka pa nga at uminom pa ng konti, sabi mo mumog ka lang pero halata ko sayong may tama ka pa.” pagpapatuloy nito.
“Nung makauwi na si Mang Kardo ay hinatid na kita sa inyo. Gising ka non pero di ko alam kung naaalala mo. Nung iwan natin sila ay buhay pa yung babae pero wala ng nakatakip sa mukha, di ko na nakita yung mukha nung babae kasi gusto ko ng umalis doon hangga’t maaari. Nalaman ko na lang na si Liezel yung babae kinabukasan nung malaman kong patay na ito. Nakumpirma ko rin yun kay Mang Kardo dahil nai-kwento raw ito sa kanya ni Rico.” Medyo kumakalma na ito sa pagkwento.
Huminga ng malalim si Noel at kinuskos ang mga mata. “Pano na ngayon yan?” tanong ni Noel.
“Pare di ko nga alam gagawin ko eh. Wag mo sanang isiping nasisiraan na ako ng ulo pero may kailangan pa akong ihinga kahit sa’yo na lang.“ muling dagdag ni Juni. “Pare, alam mo yung nangyari kay Mang Kardo at doon kay Rudy?......”sabay kamot sa ulo nito. “Napanaginipan ko lahat ang nangyari.”muling napaluha si Juni. Mangha naman si Noel sa narinig.
“Pare, sa totoo lang napanaginipan ko rin yung nangyari kila Mang Kardo at Rudy. Akala ko ay sa akin lang nangyayari ito pati pala ikaw. Ano kaya sa tingin mo ang ibig sabihin nito?” tanong ni Noel.
“Talaga pare! Hindi kaya humihingi ng hustisya si Liezel pare baka ako na ang susumod.” Pag-alala ni Juni.
“Wag kang mag-alala pare kasama mo ako dito ngayon. Hindi kaya pinahihiwatig lang sa atin na dapat ay ipasuplong natin si Rico? Di ba sabi mo maaaring gusto ni Liezel ng hustisya so ibigay natin yun. Tayo lang kasi ang nakaka-alam ng lahat ng pangyayari kaya tayo siguro ang binigyan ng ganitong mga pangitain.” tanong at mungkahi ni Noel.
Nag-isip ang kaibigan sa tinuran ni Noel.
0 comments:
Post a Comment