Monday, February 14, 2011

Yaman Ng Puso

Here is an article I wrote just for this very season. It is an article I wrote for The Kablogs Journal monthly theme - Puso / Hearts. Hope you all like it.
"Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan, naroroon din ang inyong mga puso." (Luke 12: 34/ Matt 6:21)
Sa tuwing darating ang buwan ng Pebrero (February), ang mga bulaklak na kahit halos doble o triple ang presyo ay bentang-benta sa mga tao. Ang mga pasyalan ay hindi mo na halos mahulugan ng karayom sa dami ng mga pares ng mga taong nais na ipagdiwang ang araw ng mga puso. Di rin pahuhuli at napupuno naman ang mga motel ng mga baliw sa pag-ibig. Bumabaha ng mga pusong-pula na tila parol ng Pebrero.

Saan ka man naroroon, mapa-Pilipinas o ibang bansa marami ang nagdiriwang ng araw ng mga puso. Maging dito sa bansa ng mga Arabo ay naging talamak ang pagbili ng mga bulaklak o alinmang bagay na kulay pula. Nitong nakaraang tatlong taon lamang, sila ay nagmasid at ipinagbawal ang alinmang patungkol dito sa tuwing darating ang ika-14 ng Pebrero.

Read the complete article at The Kablogs Journal.

4 comments:

Bino said...

paulit=ulit ko tong binasa eh :D

Noel Ablon said...

Salamat Bino! Ingat lagi.

Nortehanon said...

Hi Noel, congratulations on being published by KaBlogs.

Wow, dami mo palang blog. Isa-isahin ko itong dalawin lalo na yung pictrato kasi mahilig din ako kumuha ng litrato. Good luck!

Noel Ablon said...

Salamat sa pagbisita Nortehanon, dati ko na ring nabisita yung site mo at nakapag-comment pa yata ako. God bless.