"Tawagan mo ako pag nakarating ka na doon ah." – iyak ng isang nanay sa kanyang asawa habang ang asawa naman nito ay di mapakali. Makikita sa mga mata ng lalaki ang lungkot na nadarama nito at marahil napansin niya na pinagmamasdan ko sila ay pilit nitong pinigilan ang luhang kanina pa nagnanais na kumawala. Nang nasa loob na kami ay nabanggit niya sa aking first-time nyang pumunta ng abroad. Kung sapat lang daw sana ang kinikita niya ay di na siya aalis pa lalo’t wala pang isang taon ang kanilang panganay na anak. “Mabuti na lang at binata pa ako hehe!” bulong ko lang sa’king sarili. Bigla tuloy akong napaisip – “Paano kaya kung ako?”
Fast Forward
“Tawagan mo ako pag nandoon ka na ha!” – habang ako ay pinupunasan ng pawis ni Leah na aking maybahay. Sa napaka-init, maingay at matao nating paliparan, pilit kong itinago ang luha ko sa aking maybahay sa pamamagitan ng paglingon-lingon sa paligid. Marami pa akong nais sabihin sa kanya ngunit wala ni isang salita ang kumawala sa aking bibig. Kani-kanina lamang ay naubos ko ang maliit na bote ng mineral water na tigbe-beinte-pesos. Ngunit noong mga oras na iyon, pakiramdam ko ay natutuyong muli ang aking bibig – nanlalagkit ang mga laway, naninikip ang dibdib at ang mga paa ko'y tila ayaw humakbang papalayo sa kanya. Bago pa ako pumasok ay muli akong sumulyap sa kanya, pilit kong isinaulo ang kanyang mukha na para bang ayaw ko itong mabura sa aking isipan. Ganito pala ang kanilang pakiramdam. Ganito pala ang umalis na di kapiling ang iyong pamilya. Hindi iyon ang una kong pag-alis, dati ay magulang ko at mga kapatid ang aking iniwan. Malungkot din ako noon pero hindi pala kasing-lungkot ng iwan ang iyong kabiyak.
Bakit ba kasi kailangan umalis?
Di lingid sa iba ang kahirapan ng paghahanap ng trabaho sa Pilipinas. Nagtataasang requirements para lamang sa kakarampot na sahod at para sa isang trabahong maaari lamang magtagal ng anim na buwan. Talamak na kasi sa atin ang mga 6-months na kontrata ng mga kumpanya at ang iba pa ay may tatlong buwan lamang. Kung minsan ang iba ay maituturing ng Dream Come True ang magkaroon ng permanenteng trabaho at iilan lamang ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Dahilan upang ang iba ay magpasyang magsapalaran na lamang sa ibang bansa.
Dala lamang ay mga damit, pasaporte at pag-asang mai-angat ang kalagayan ng pamilya - tinungo nila ang bansa ng mga dating mananakop o ng mga bansang siksik-liglig ang biyaya. Sa kapwa Pinoy sila ay mga OFW o bayani, sa mga lokal ng bansang tinahak - sila ay mga banyaga, mga lahing mapag-impok, mga mamamayang humahanap ng magandang pagkakataon kaya kadalasan tayo ay tinatawag na mga oportunista.
“Para sa magandang kinabukasan ng pamilya” ang lagi mong maririnig mula sa kanilang mga bibig kahit na wala silang kamalay-malay sa buhay na hatid ng kanilang tinahak.
“Para sa magandang kinabukasan ng pamilya” ang lagi mong maririnig mula sa kanilang mga bibig kahit na wala silang kamalay-malay sa buhay na hatid ng kanilang tinahak.
Balik-Manggagawa ng Isang Asawa
Pagdating sa Jeddah ay tawag agad ako kay Leah. Nag-kumustahan ng sandali at matapos ay nag-pahinga. Malinis pa rin ang aking kwarto ng aking datnan – ni walang naipong mga alikabok pagkat inihanda ko lamang ang mga gamit ko para sa dalawang linggong bakasyon. Nagbakasyon lamang ako noon para magpakasal at matapos ay muling bumalik sa trabaho. Ngunit sa kwarto kong de-aircon, desktop PC (wala pang internet noon sa bahay), TV na may TFC at mga pelikulang nakopya pa sa mga kaibigan ay tila wala ni isang pumawi ng lungkot ko maliban sa boses ng aking kabiyak nung mga oras na iyon.
Naging mabagal ang mga araw para sa akin pero ang tanging nagpatibay sa amin ay komunikasyon. Pakiramdam ko noon ay valedictorian na ako sa texting – mas mabilis na nga akong mag-type sa cellphone kesa sa aking keyboard. Kung ating babalikan, existing na ang mga Jejemon noon ngunit kailan lamang sila binigyan ng ngalan – marahil nga ano? Madalas din ang aking pagtawag at bukod pa dito ay may chat pa kami. Maraming salamat sa teknolohiya. Magastos ito ngunit napagkasunduan na naming mag-asawa ang mag-budget para dito.
Komunikasyon
Komunikasyon ang nakikita kong isa sa mahalagang bagay para sa mga mag-asawa o sa isang pamilya. Kinakalimutan na ito ng iba marahil na rin sa laki ng gastos ngunit ang resulta naman ay mas masaklap – ang kawalan ng suporta mula sa kapamilyang OFW o ang unti-unting pagka-wasak ng pamilya. Ng dahil sa pangungulila sa kaanak o kapamilya ay naghanap ito ng magbibigay ng aliw sa pusong nalulumbay. Nalalaman lamang ng iba ang kahalagahan ng komunikasyon kung ito ay nawala na sa kanila. At dahil dito ang iba ay nagpupumilit na dugtungan ang naputol na ugnayan, pilit na ibinabalik ang nasirang pamilya dulot ng kakulangan o ng walang komunikasyon.
Ang komunikasyon ay parang hose ng tubig, samantala ang kapamilyang naging OFW ay maihahalintulad sa isang halaman. Kung walang hose at ang patubigan ay malayo sa halaman, ang tubig ay kumakalat at mabagal na nakakarating sa halaman. At dahil nga mabagal at bawas ang tubig kung ito’y nakakarating sa halaman ay naghahanap ito ng ibang mapagkukunan ng tubig. Ngunit sa tulong ng hose ay nakakarating ang tubig ng sapat at mas mabilis. Bagamat hindi tayo halaman, batid ng bawat isa ang kahalagahan ng komunikasyon sa buhay ng isang OFW. Maging ang mag-asawang nagsasama sa iisang bubong ay nagkakaroon ng problema dahil sa kakulangan ng komunikasyon, paano pa kaya ang magkalayong pamilya?
Tiwala
Bukod sa komunikasyon ay malaking bahagi sa samahan ng mag-asawa ang tiwala. Mapa-malayo ka man o malapit sa pamilya ay importante ang tiwala sa isa’t-isa. Tiwalang habang-buhay na samahan sa tulong at gabay ng Panginoon. Tiwala sa Diyos na siya ang patuloy na magpapatibay ng samahan sa kabila ng malayong distansya sa bawat isa.
Isang bagay na higit kong pinahahalagahan ang tiwala. Pagkat pag ito ay nasira ay hindi ito ganoon kadaling ibalik ninuman. Marami din kaming pinagdaanang hirap bago pa kami magpakasal ng aking kabiyak kaya ganoon na lang ang tiwala ko. Una sa Diyos, pagkat siya ang nagkaloob sa akin kay Leah at sumunod sa aking maybahay – pagkat siya ang kaloob ng Diyos sa akin. Isang regalo mula sa kaitaasang aking lubos na pinahahalagahan at tiwala akong hindi ito nais ng Diyos na mauwi lamang sa isang paghihiwalay.
Paninindigan
Kahuli-hulihan ay ang paninindigan o commitment - isang bagay na hindi nababali ng panahon o ng anumang kalagayan o ng sitwasyon ng bawat isa. Kung ang mag-asawa ay commited na gawin o bigyan ng halaga ang mga nararapat para sa ikatitibay ng samahan ng pamilya ay maisasakatuparan ang anumang kanilang ninanais sa buhay. Ang komunikasyon at tiwala ay nawawalan ng saysay kung hindi naman nila ito pinaninindigan. Alam naman ng karamihan na ang komunikasyon at tiwala ay ang siyang sagot upang mapanatili ang pagsasama ng pamilya. Nngunit sa sandaling subukin ang kanilang paninindigan ay dagli itong nabubuwag. Ang sagot pa ng iba - "tukso ang lumalapit eh!". Ang pag-ibig natin sa ating pamilya ang siyang nagiging basehan ng ating paninindigan kaya kung mahina man tayo sa tukso, isipin natin ang pag-ibig natin sa ating pamilya na siyang nagmamahal din sa atin.
Ang Siya Kong Tinatayuan
Kahuli-hulihan ay ang paninindigan o commitment - isang bagay na hindi nababali ng panahon o ng anumang kalagayan o ng sitwasyon ng bawat isa. Kung ang mag-asawa ay commited na gawin o bigyan ng halaga ang mga nararapat para sa ikatitibay ng samahan ng pamilya ay maisasakatuparan ang anumang kanilang ninanais sa buhay. Ang komunikasyon at tiwala ay nawawalan ng saysay kung hindi naman nila ito pinaninindigan. Alam naman ng karamihan na ang komunikasyon at tiwala ay ang siyang sagot upang mapanatili ang pagsasama ng pamilya. Nngunit sa sandaling subukin ang kanilang paninindigan ay dagli itong nabubuwag. Ang sagot pa ng iba - "tukso ang lumalapit eh!". Ang pag-ibig natin sa ating pamilya ang siyang nagiging basehan ng ating paninindigan kaya kung mahina man tayo sa tukso, isipin natin ang pag-ibig natin sa ating pamilya na siyang nagmamahal din sa atin.
Ang Siya Kong Tinatayuan
Ng dahil sa tiwala ko sa Panginoon ay nagkaroon ako ng isang pananaw, isang alituntunin na aking tinatayuan. Isang sakripisyo na sa akin ang mapalayo sa aking minamahal at ayokong habang-buhay ang sakripisyong ito. “Kahit gumastos ako ng malaki, basta magkakasama kami ay gagawin ko iyon.” – ito ang mga katagang nakatanim sa aking isipan at ito rin ang payong aking iminumungkahi sa mga kaibigan kung sila ay lumalapit sa akin. Hindi nga ba ang mag-asawa ay pinagsama ng Diyos upang magkasama nilang pagtagumpayan at magkasama tamasain ang anumang bagay na kanilang haharapin?
Magkakasama naming haharapin ang hirap, magkakasama naming tatamasain ang aming mga pinaghirapan at magkakasama naming bubuuin ang aming mga pangarap. Kung sa Pilipinas ay natatanggap naming magtrabaho ang bawat isa para sa ikatataguyod ng aming pamilya ay maaari naman namin iyong gawin dito. Buo ang tiwala namin sa Diyos na pagtatagumpayan namin ang anumang bagay sa tulong Niya kaya itinaguyod namin ang pamilya namin ng magkakasama.
"Buo ang tiwala namin sa Diyos na pagtatagumpayan namin ang anumang bagay sa tulong Niya kaya itinaguyod namin ang pamilya namin ng magkakasama." |
Hindi ako nagsisisi sa tinayuan kong alituntunin sa aking pamilya. Ngayon ay magkasama kami ng aking maybahay at ami pang nasasaksihan ang paglaki ng aming anak. Dumating man ang sakit at hirap sa amin ay masaya namin itong napagtatagumpayan. Magkakasama rin naming pinagsasaluhan ang anumang pagpapala ng Diyos.
"Magkakasama rin naming pinagsasaluhan ang anumang pagpapala ng Diyos." |
Pagkakataon
Ngunit di rin lingid sa iba na hindi lahat ng OFW ay nagkaroon ng pagkakataong makasama ang pamilya nila sa bansang kanilang pinaglilingkuran. Gayunpaman, nawa ang komunikasyon, tiwala at paninindigan ay lalong higit na pahalagahan ng bawat isa. Bilang OFW, wag nating kalimutan ang una nating pag-ibig – ang dahilan kung bakit tayo naging OFW - ang ating Pamilya. Gunitain natin ang mga sandali ng ating unang paglisan. Samantala, sa mga kapamilya ng OFW ay wag nating kalimutan ang sakripisyo’t hirap na pinagdadaanan ng ating minamahal para sa ikatataguyod ng pamilya.
Para saan pa nga ba ang pagpapagal natin kung sira na ang ating pamilya? Magandang kinabukasan ba ang hatid nito para sa ating mga anak? Kailan pa naging Bright Future ang Broken Family? Taas-noo ba tayong humaharap sa ating mga anak o asawa kung tayo ay nagbibigay ng suporta sa kanila?
Isang malaking pasasalamat ko nang marinig ko ang balita mula sa kapwa OFW na hindi lang propesyunal ang maaari ng magdala ng kanilang pamilya sa bansang Saudi. Sa kaukulang halaga at pagsasaayos ng mga nararapat na dokumento ay maaari ng kunin ng sinuman ang kanilang asawa upang sila ay magsama dito sa Saudi Arabia. Nawa sa pagkakataong ito ay suportahan ng ating gobyerno ang mga kababayan nating kumikita ng di sapat para makasama nila ang kanilang asawa sa bansa na kanilang pinaglilingkuran.
Isang Mungkahi
“Para sa magandang kinabukasan ng pamilya” ang tugon ng bawat OFW sa tuwing sila ay tinatanong kung bakit nila tinungo ang bansang pinaglilingkuran. Ano kaya kung magsimula tayo sa:
“Para sa pagsasama ng pamilya!”?Nanggaling ako sa isang sirang pamilya kaya alam ko ang hirap na dulot nito. Nalalaman ko ring hindi maliwanag ang hinaharap na dulot nito. Kaya malayo man o malapit, panatilihin natin ang pagsasama ng pamilya para sa ikaliliwanag at ikagaganda ng kinabukasan ng ating pamilya.
"Ako ay OFW na nagpapagal para sa pagsasama ng pamilya." |
Kung iyong naibigan ang akdang ito ay nais ko sanang hingin ang inyong pahintulot na pakiboto ang akda kong ito. Pumunta lamang sa website ng PEBA.
Ang Baul ni Noel po ay ang ika-sampung entry.
20 comments:
tama kayo sir noel, komunikasyon, tiwala at paninindigan ang mga bagay na kailangan ng mga pamilya ng ofw.
sa ngayon ay magkalayo kami ng aking mag-iina kaya ang mga bagay na inyong nabanggit ang tatlo sa mga ginagamit kong sandata upang mapanatili ang katatagan ng aming pamilya. mahirap malayo sa mga mahal sa buhay. alam po nating lahat ito. mapunta nga lang tayo sa ibang probinsya ng ilang araw ay napakahirap na, paano pa kaya kung ibang bansa? pero ganun po talaga ang katumbas na halaga ng ating mga pangarap na mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating asawa at mga anak.
gusto ko po ang sinabi niyong "para sa pagsasama ng pamilya". kung sakaling magtatagal pa ako dito sa gitnang silangan, sana ay dumating na ang pagkakataong madala ko na rin sila dito para magkakasama na kami.
Is this your entry sa PEBA? from head to foot, you make me cry. Honestly. Why?
I can relate. I can honestly relate kasi halos pareho tayo ng karanasan, except na naka 2 months ako magbakasyon before bumalik. Glad your family is with you here now. Hope my family will join me again here soon. Hope all families will have the chance to have a decent work, and be together. Oh, thanks for this post. This is a sound post.
@NoBenta - ginawa mo pa akong Sir hehe! Bagay lang yun kay Sir NJ hehe! Sana nga ay makasama mo rin ang iyong pamilya diyan sa inyo. Salamat sa pagbisita. Pwede na akong magbasa ng ibang entries. Matagal na akong tempted na magbasa pero di ko muna ginawa hehe! baka mawala yung mga nasa isip ko eh hehe!
@kenji - oo ito na ang entry ko, may mga babaguhin pa ako siguro - mga typos at kung ano-ano pang pagkakamali at mga mangilan-ngilang additional points hehe!
Nawa ay kapulutan ito ng aral ng iba, based on my experience or experience ng isang OFW. I am hoping the same for all the ofw families.
clap clap ako sayo kuya.. Nakakarelate ako sa post mong to.. Although di pa kami kasal ng bhebhe ko, kinailangan ko ding iwan ang pinas para sa ikagaganda ng buhay ng pamilya ko.. Tama, loyalty, respect and faith ang sikreto para maging maayos ang relasyon nyo sa bawat isa..
More blessing on you BRo ;)
Yung story mo, experienced din ng ofw dito sa France. Matibay ang pundasyun mo sa pagiging ulo ng tahanan, at ang misis mo, mabuting asawa at ina na gumagalang sa mga desisyon mo.All the best sa PEBA.
Isang makabuluhang panulat na nagbibigay liwanag sa kamalayan ng bawat OFW, "pamilya ang laging una" ang laging sigaw ng bawa't migrante, subalit sapat na ba ang pangingibang bayan at pagpapadala ng pera sa pamilya?
Salamat sa iyong PEBA entry na pumukaw sa damdamin ng mga OFW na ang matibay na pagsasama ng pamilya ay nakasalalay sa matibay na muhon ng komunikasyon, pag-ibig, pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos na Lumikha.
God bless your family and thank you for joining PEBA 2010.
what a wonderful, heartfelt entry. best wishes.
@Tiano - salamat sa pagbisita, binista ko rin ang iyong blog at nag-iwan ng komento. Hope we all inspire each and everyone.
@francesca - salamat na marami, respetuhan lang talaga kami ni mrs para sa ikalalago at ikatatag ng aming relasyon.
@the pope - God bless din sa'yo at ng iyong pamilya.
@kayni - thanks at salamat din sa pagbisita.
Tingin ko naman lahat ay nakaka-relate sa bawat isa since lahat tayo ay may iniwang mga minamahal sa Pinas, kung hindi man kabiyak ay magulang o mga kapatid.
God bless to all.
Wahhhhhh I cried a c river reading this post Noel, napakahirap talaga maging OFW noh buti na lang your determination paid off.
You have an enviable family that sets an example to all, OFW or not. Iyan ang kaibahan ng familia na merong takot sa Dios, everything just follows. Habang binabasa ko post mo natutuwa ako sa mga pictures nyong ang saya-saya nyong familia.
Good luck to ur entry, very relevant at well laid-out. :-)
@chubskulit - thanks for reading. Oo, my determination paid off because of God.
@NFB - thanks for reading my entry. You also have a very strong point in your entry. Di pa ako bumoboto, pero you are on my list of people na iboboto ko. God bless.
sana marami ang mga katulad nyo naging ehemplo sa lahat
@Carnation - maraming salamat sa oras na inilaan mo sa pagbasa nitong article na ito. Well, it is the very reason PEBA has launched this theme - to influence others. Hope you encourage a lot of OFWs to read PEBA nominees' entries.
Mas maganda talaga kung sama-sama ang pamilya sa hirap at ginhawa. Kaya nga 10 years na ako sa abroad kasama ng asawa ko, kahit di ako nagtatrabaho. Dito na kami nabigyan ng 5 anak. Gusto ko na din sana umuwi sa Pinas kasi mahirap din mag-budget dito, mas tipid siguro sana sa Pinas lalo na sa edukasyon, pero mas maganda kung magkakasama pa rin kami. Lumaki din kasi ako na malayo sa nanay dahil OFW din siya. Mahirap... Salamat nga kay Lord dahil dinulot Niya na kami ay magkakasama at Siya naman ang nagbibigay ng sapat sa pangangailangan namin.
God bless sa PEBA!
gusto ko yung sinabi mo:
"magkakasama rin naming pinagsasaluha ang anumang pagpapala ng Diyos".
sabi nga sa Bible eh, Godliness with contentment is great gain. Matuto nawa tayo na patuloy na magpasalamat sa lahat ng pagpapalang ipinagkakaloob Niya sa atin.
Godbless sa family mo! maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong kwento, maraming maiinspire dito.. maraming matututo lalo na sa mga nagbabalak palang na mag abroad.. isa ka ng instrumento para maipahatid sa kanila ang mga mainam na gawin para sa ikabubuti ng isang pamilya na may OFW.
BON
htt://www.bonistation.com
@chinchin - it is already a blessing to be with your family while abroad - marami rin kasing nagnanais na makasama pamilya nila sa abroad pero di nabigyan ng pagkakataon. God bless you more and thanks for the visit.
@siyetehan - salamat sa iyong pagdalaw at pag-comment. Oo nga, talagang mas masarap na i-enjoy ang pinahirapaan mo kasama ng iyong pamilya.
@boni - wow salamat sa pagbisita mula sa Boni. Nawa nga po ay kapulutan ng aral ang ito at manatiling inspirasyon sa bawat isa. God bless.
Hello! Kindly take the time to email me. This is to inquire about a possible support feature for a Pinoy, Philippines based band we want to introduce globally, especially to Filipinos abroad. Thank you so much! (email to marikit.singson@gmail.com)
your blog was inspiring and interesting! good to know that despite the distance, your still priorities is your family.. More power and Godbless!
Thank you very much OFW in Saudi Arabia for visiting my blog.
My family was always my inspiration that's why they belong to my top priority. God bless to you too.
Post a Comment