Tuesday, June 29, 2010

Following My Followers

Natapos ko yung presentation ko kahapon with two-thumbs up. Hay salamat! It is really something when your work is really appreciated. And it means bigger if the one appreciating your work is in the same line of work - of course it means that he knows the hard work I did and how difficult my situation is as a lone programmer/analyst in a project. Team leader ako at ako lang ang member hehe!. Ngayong naka-quota ako, I'll try to rest my mind muna kaya heto ako blogging muna.

Yap! You read it right, nag-tagalog ako sa post na ito hehe! Not because I am tired of english, it's because TRIP ko eh! hehe! And I'd like to dedicate this post to all people who have followed my Baul - THANK YOU PO! I know kahit na medyo boring (actually, hindi nga medyo eh - ubod ng boring! hehe) ay nagpapasalamat ako ng lubusan dahil sa pag-click niyo ng Follow! Dahil diyan, follow ko rin kayo.

Okay, change topic muna tayo. This is about my Blog's transformation. Sabihin ko muna yung dahilan kung bakit nagbago ang Baul ni Noel. Sige, maghalo ako ng kaunting english. I first started this blog so that I can share my piece of mind through literature. Yes! I am a frustrated writer. Kahit na bako-bako ang english ko at maging ang tagalog ko ay improper pa hehe! Ewan ko vah! Medyo nagsisi ako nung ma-realize ko na I like literature pala kasi noon I get bored of this subject. Pero during my highschool days, when it comes to poetries, short stories (like Indarapatra and Sulayman, Biag ti Lam-ang) ay talagang medyo attentive ako, even during my college days. The rest of the topics in my English and Filipino subject ay tinulugan ko lang talaga - gaya ng pambalana, pantangi, verb, adjectives, predicate, panggalan, etc... Di ko akalaing kritikal yun sa paggawa ng mga literaturang kinahuhumalingan ko ngayon hehe!

Well, it's really hard to break habits specially in writing. Recently, I made an article for KaBlogs Journal about Education and a lot of things were edited, di naman ako nagalit or nagtampo - it is necessary and I am thankful kay Nebz (of Isla De Nebz) for doing the editing. Mas nagkaroon nga ng buhay hehe! "Don't worry, if ever I have another chance to write, sulat ulit ako Nebz. Thanks ulit sa edit".

I changed my Baul from tagalog to english because it is a requirement in some network affiliates that I have joined (they are traffic and money earning network affiliates like Adgitize, CMF Ads). By the way, if you are interested, sali kayo through my link ah hehe!. I happen to read a topic kasi, about how you can earn money from what you love to do in the internet and it happen to be blogging. Pero di yun ang main reason kung bakit ko ito binago. Of course, in order for me to learn I have to PRACTICE di ba? And most of my studies, specially Bible stuffs are in english.

Another transformation is from tagalog literatures to english essays - religious articles mostly. Ever since kasi na ma-assign ako to lead our church's young people (kasi nga young pa po ako at cute and cuddly - ano kaya kinalaman nun eh? Ang kafal daw!) ay na-realize ko na yung blog ko ay maaari ding mabasa ng mga kabataan, higit lalo ng mga taong hindi lubos na nakakakilala sa Panginoon. I try to teach those young students of mine that sharing your faith or sharing the word of God doesn't necessarily require you to be good in speaking. Pwede rin ito through your hobbies, like drawing coz I have this one student who loves drawing Anime stuffs like Naruto. Pwede rin through music, like Hillsongs, Casting Crowns, Noel, etc... (teka bakit ako nandoon eh hehe! - siyempre ako bida eh, akin itong blog na ito kaya walang papalag). Frustration ko rin kasing kumanta kaya lang yung music nafu-frustrate sa akin twing ako ay kakanta haha! I just remembered a comment long time ago, I was singing while playing the guitar - "Mag-gitara ka na lang pre! hehe!" - hanggang ngayon nasa hospital pa rin yung nag-comment, lantang-gulay na sa bugbog ko haha! (Just kidding!). So to summarize yung subject na ito, I used my blog to share the word of God - O di ba! I am hoping and praying that the gains I made from studying the word of God will also be a gain to all those who read my articles.

"I wish to be heard" - this is one of my reason before but now that people are listening, I try to make a sense of it. Even if people try to ignore or people can't accept (yet, maybe not this time) what I post here, with honesty and prayers I will continue to share God's word through this blog, faithfully. I am not saying na porke hindi word of God ang blog ng iba ay wala ng sense, it just happens na this is where I am making sense and I admit na I suck at some articles I did before lalo na yung mga literature. Again to shorten it, I blog where I can make sense so my followers can better undestand me.

Ang haba na, paano ko ba ito tatapusin? Siguro mag-part 2 na lang ako para madaling basahin. Bye! Oo nga pala before I go, here is something funny to look at before I go. Galing ito kay Roanne ng The Prodigal Daughter. 3D Farmville:

6 comments:

NoBenta said...

wow, congrats parekoy for the successful presentation! and yes, nagulat ako sa tagalog/taglish entry mo.

isa ang blog mo sa mga binabasa ko for inspiration. thanks sa mga entries!

Null said...

Welcome back!!! Tagal mo rin na walang post :) i like the transformation :)

Noel Ablon said...

@Nobenta - thanks for finding my entries inspiring, hayaan mo marami pang padating.

@roanne - matagal nga rin akong nawala sa takilya. Thanks sa muling pagbisita.

Hindi pa ako tapos mag-follow kasi I try to read some of the posts din eh and I am trying to find their blogs, di minsan lumalabas yung link.

Chubskulit Rose said...

Hi Noel, thanks for the visit and for your valuable comment. Transforming your blog to english will enlarge your crowd of readers para di lang satin ang nakakacomment oh di ba.

Followed your networked blogs.

2ngaw said...

na miss ko tuloy ung magpresent ng mga system sa harap ng mga manager :D

Welcome back pre :)

Mylene said...

Marami pala tayong pareho :D
May regret din ako nung highschool ako. Biniyayaan ako ng Diyos ng magagaling na English teachers pero ipinagwalang bahala ko lang. Yan tuloy, baku-bako mag english. Sana grinab ko ung pagkakataon na magaling na wikang banyagang ito.

Mahilig din akong kumanta kaso walang hilig ang kanta sa akin. Hahahayyy pagkumakanta ako, pinagkokomputer na lang ako, ayos di ba? Dun lang daw ako pede.

Nais ko ring magbahagi ng salita ng Diyos sa mga blogs ko habang kahit paano ay kumikita ako ng kakarampot sa mga blogs na ito.

salamat nga pala sa pagfollow. Dahil dyan may award ako sayo :)

Paki check na lang po sa site ko ha.

God Bless!