Marami sa mga kabataan ngayon ang ibibigay kahit ano wag lang marinig ang mga sermon ng mga magulang nila. Ang iba ay halos di na umuuwi sa bahay nila para lang umiwas sa sermon ng magulang. “Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay di na naubos ang mga sermon na iyan.” ang tanging nasa isip ng iba. Feeling mo tuloy ay di ka mapagkaka-tiwalaan.
One time napagalitan ako ni Dad noon at pagkat may nagawa akong isang bagay na kung saan nag-away kami ng nakababata kong kapatid. Ang ikinaganda sa aking ama ay hindi siya madaling magalit at hindi rin ito biglang magsasabog ng galit kapag may nagawa kaming kasalanan. Sayang di ako nagmana sa kanya, kasi mukhang sa aking Mom ako nagmana. Dad made it a point na kausapin muna kami at alamin or ipa-realize sa amin ang pagkakamali namin tapos nun ay tatanungin niya kami kung ano sa tingin namin ang dapat na parusa. Siyempre lahat gagawin namin para wag mapalo, pero nung araw na yun ay di ako nakaligtas sa palo niya. Siyempre meron pa ring sermon. Ang ganda pa kay Dad, pagkatapos niya kaming paluin ay ipapaliwanag niya kung anong nararapat na gawin at bakit niya kami pinarusahan at saka tatanungin kami kung ano ang nais namin sa gitna ng aming paghikbi. Kung kaya naman niya ay ibibigay niya yung hiling namin.
Inaamin ko na most of the time ay talagang ayaw kong makinig pero di naman ako palalong bata.
“Alagaan mo ang nakababata mong kapatid dahil ikaw ang nakatatanda.” Ang palaging sermon sa akin ni Dad. “Paano kung talagang matigas ang ulo? Gusto niya nito, gusto niya nun.” Ito naman ang mga bulong ko sa sarili ko habang nakanguso tanda ng pagtutol sa kaniyang sinabi. Natatawa lang si Dad pag nakikita niya ang reaksyon ko at naaalala ko pa yung sinabi niya “Kung may mangyaring masama sa amin ng Mommy niyo, ikaw lang at ang kapatid mo ang siyang kakalinga sa isa’t-isa. Magandang matutunan mo iyon ng maaga.”
Mahirap maging pinakamatanda sa magkakapatid. Madalas ay ikaw ang laging napapagalitan kahit sa mga sala ng mga nakababatang kapatid. Inis talaga ako sa mga oras na napapalo pa ako sa ginawang kalokohan ng mga kapatid ko. “Ikaw ang nakatatanda kaya’t ikaw ang umunawa.” Ang sermon pa sa akin ni Dad. At minsan umaabot sa puntong gusto kong gumanti sa kapatid ko – ang sama ko no, di ko naman siya papatayin eh babatukan lang hehe!
Naghiwalay noon ang aming magulang noong ako ay (8) walong taong gulang pa lamang. At mula noon ay parang bumigat ang loob ko sa lahat ng bagay, sama ng loob marahil. Parang nadagdagan ng 8 taon ang edad ko noon kung mag-isip, lahat gusto kong unawain. Gusto kong maintindihan ang mga bagay na di ko maipaliwanag pero ang sagot ay di ko rin nakita. Hirap talaga ng hiwalay na pamilya, usually panganay pa ang naa-apektuhan ng husto at di ako exempted doon.
Kahit malayo si Dad ay nasa isip ko pa rin ang mga sermon niya’t pangaral at di naman nagkulang si Mom sa pagpapa-alala, she made sure naaalala ko rin iyon everyday. Di tulad ng kay Dad na medyo base, siyempre babae medyo matinis at kaya naman mas masakit sa tenga. Kaya di pa rin nawala ang inis ko. Parang responsibilidad lahat sa akin, di ko magawang magkusa dahil laging nandiyan ang paalala. Feeling ko tuloy ay di ko maramdaman ang saya sa ginagawa ko dahil nga responsibilidad ko ito.
Nung mawala si Dad, marami akong regrets. Di ko siya nayakap bago man lang siya umalis. Di ko nasabing mahal ko siya sa kabila ng lahat ng mga sinapit ng pamilya namin. Naitanong ko tuloy sa aking sarili, mabuti ba akong anak? Pero naalala kong sinagot niya iyon bago kami naghiwalay - “Napakabait mong anak, walang ibang amang di matutuwa sa iyo anak”. Ayokong maging emosyonal ng sabihin niya sa akin yun kasi parang corny, laki-laki ko na at may asawa na ako tapos yayakap pa ako sa kanya. Nung malaman kong wala na siya ay nagsisi ako, sana naging corny na lang ako nung oras na iyon, sana kinalimutan ko muna ang hiya ko. Galit ako sa sarili ko noon.
Ngayon na-realize ko wala pala sa isip ang lahat ng mga sermon niya’t pangaral, nasa puso ko pala. Kasi sa tuwing maaalala ko ang mga pangaral niya ay di ko maiwasang maluha di ko maiwasang mainis sa sarili ko. Ngayon na-realize ko ang pangaral niya na tanging kami rin lang magkakapatid ang siyang magdadamayan sa huli. Nandiyan pa naman si Mom pero I made it a point na maaasahan nila ako sa oras na kailangan nila ako. Wala na talo-talo na ito, corny na kung corny. Kahit alam kong huli na para maging corny.
Para sa iyo Dad, saan ka man naroon gusto ko malaman mong nasa puso ko ang mga pangaral mo. Gusto ko sanang marinig muli ang mga sermon mo pero ang tanging magagawa ko na lang ay ipasa ito sa mga anak ko, na marinig nila mula sa labi ko ang mga pangaral nyo.
Alam kong mas naririnig mo ngayon ang bawat panalangin namin kaya nais kong sabihing mahal namin kayo. Happy Birhday Dad!
Tuesday, October 27, 2009
Papa Don't Preach!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
bro, kamuntik na tumulo ang luha ko. Na miss ko tuloy si ama ko. Baligtaad sila ng dad mo. Hindi vocal si ama. basta pagnagalit sa amin palo agad ng sinturon ang abot namin magkakapatid.
Hindi man sya naging vocal but deep inside my heart i knew na gusto nyang ipadama sa main ang pagmamahal nya, kaya lang nga hindi sya showying father.
Like you ay panganay ako kaya pagnasa abroad si ama ako ang tumatayung ama.
I believe na hindi kayo pinabayaan ni Lord sa mga time na yun.
Oo nga, I know God was there all those times through my Aunt and Uncle na nag-alaga sa amin. They introduced God to us.
tol aus to ah..mejo nakakrelate ako kc ako laging namimisinterpret.ang bait ng daddy mo sakin hindi ganun kabait..sna maaus nrin relationship namin ng tatay ko
para mlaman mo sinasabi ko , basahin mo to old post ko na to.. pero tagos yan sa puso
http://bucosalad.blogspot.com/2009/06/i-want-to-greet-you-but-i-didnt.html
Prang naiiyak ako sa post na ito. Ok lang naman maging Cheesy meron din itong magandang effect!
Happy Birthday sa Dad mo! Siguro sosyal ka kasi Dad ang tawag mo sa Erpats mo. Wala lang hihihihi
Post a Comment