BNN wishes to thank all who remained faithful to us.

More adventures, more pictures, more inspirations coming soon.

Check out previous adventures

Revisit the places we have been, places you should go and what to do..

Read inspiring stories.

Read inspirational stories, essays, parenting, christian living, Bible studies, etc....

Watch funny clips, photos and stories.

From time to time we put some clips or photos to let you see BNN's lite side.

Follow us!

Now you can follow Baul ni Noel on Twitter or Facebook.

Showing posts with label poem. Show all posts
Showing posts with label poem. Show all posts

Sunday, September 27, 2009

Naghihintay Sa Iyong Tinig

Ano ba sa iyo ang aking tinig?
Tulad ba ito ng isang magandang himig?
Na gaya ng isang bagong awitin,
Patuloy na pakikingan at uulit-ulitin.


Ibig kong malaman mo,
Na ang tinig mo'y tulad ng isang salmo.
Na patuloy na nagbibigay kasiyahan,
Sa puso kong nagdurugo at luhaan.


Ikaw na aking anak,
Ikaw na tumawag sa akin ng may galak.
Nais ko sanang patuloy na marinig,
Ang iyong hinaing, and iyong magandang tinig.


Sa tuwing nasasambit mo ang ngalan ko,
Puso ko'y lumulundag, naghihintay sa sasabihin mo.
Narinig ko ang lahat ng iyong binanggit,
Kaya't sa iba'y wag kang mainggit.


Wag ka sanang magagalit o malumbay,
Kung ang iyong hiling ay di ko ibinigay,
Pagka't may plano ako para sa'yong inilaan,
Na mas hihigit pa sa iyong kahilingan.


Kung patuloy kang sa akin ay humimlay,
Makikita mo ang kaloob kong tagumpay.
Ikaw na aking minamahal na anak,
Wala akong hinangad kundi ang iyong galak.


Ano ba sa iyo ang aking tinig?
Tulad ba ng isang salmong puno ng pag-ibig?
Anak, nandito ako't nagmamahal, umiibig,
At laging naghihintay sa iyong magandang tinig.



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape


====

Ang tulang ito ay alay ko sa lahat at higit sa ating Panginoon. Nawa ay muli niyang marinig ang ating mga hinaing at tinig. Nais ko rin itong ilaan sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Tayo ay maglaan ng isang panalangin para sa mga nasawi ng bagyong ito at kung meron kayong maitutulong na kahit magkano o mga relief goods ay DITO matatagpuan ang mga relief centers and volunteers o hotline kung paano sila mako-contact. Salamat Life Moto sa info. Heto ang complete link: http://spreadsheets.google.com/lv?key=tBMVeBvbdAtYRaRB6ErFWnA&toomany=true

God bless to all.

Sunday, July 26, 2009

Pag-ibig, ano nga ba'ng iyong anyo?

Minsan ika'y maramot,
sa atensiyo'y ayaw ng nakikiamot.
Minsan ika'y mapagbigay,
handang magparaya at maghintay.

Minsan ika'y mistulang bulag,
hinahayaan irog na lumalabag.
Minsan ika'y isang bagong tinig,
maging sa bingi'y hatid ay napakagandang himig.

Minsan ika'y mistulang pipi,
handang magtiis kahit patuloy na inaapi.
Minsan din ika'y mabangis at matapang,
hadang lumaban masunod ka lamang.

Pag-ibig mong tunay at wagas,
Meron na ba ngayong wakas?
Ang pag-ibig mong dalisay,
May bahid na ba itong taglay?

Pag-ibig, ano nga ba ang iyong hatid?
kagalakan, kasiyahan o kirot na walang patid?
Sagutin ang aming mga katanungan,
sa walang katapusang alinlangan.

Art from DevianArt

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Tuesday, June 9, 2009

Lamat ng Kahapon

Sa tuwing maaalala ang sugat ng nakaraan,
Mga kirot at siphayo sa buhay kong naging patapon.
Sa murang edad, mga hirap ay sinapit,
Puso'y natutong dumaing, natutong maghinanakit.

Kinagisnang buhay, wasak man ay aking inunawa
Pait ng buhay, pilit kong nginuya.
Bakit kailangan mawasak pati ang pamilya
At magpalipat-lipat sa piling ng bawat isa.

Dalisay na buhay, saan ka matatagpuan?
Tanong na nabuo sa'king murang kaisipan.
Saan at hanggang kailan ako aasa?
Sa buhay na inaasam o sa bagong pag-asa.

Sa paglipas ng panahon,
Kaakibat ko'y aking wasak na kahapon.
Sa Diyos na mahabagin,
ako'y natutong manalangin.

Sa buhay kong dating patapon,
Dulot ng lamat sa'king kahapon,
Ngayo'y nagsilbing hamon, aral at inspirasyon,
Salamat kahapon, salamat sa bagong "ako" ngayon.



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Sunday, February 22, 2009

Ganti Sa'yong Bayo

Kahapon, masaya tayong magkasama,
bitbit ko'y pag-asang pang-habambuhay na.
Kanina, ika'y hinanap ngunit di ka matagpuan,
Mahal ko! sabihin sa akin kung ika'y nasaan.

Tumawag ako, ngunit di ka sumasagot,
ikaw ba'y ligtas, masaya o nababagot.
Hinanap ka sa kaibigan ngunit wala silang alam.
Bakit umalis ka nang di man lang nag-paalam.

Dumaan ang mga araw nang di ka nakikita,
nasaan ka mahal ko? ika'y magpakita.
Muli kang tinawagan, upang boses mo'y marinig,
nagulat nang may sumagot, babae ang tinig.

Anong kailangan nyo sa asawa ko?
puso ko'y kumirot at sa kinatatayua'y napako,
huminto ang oras at nagdilim ang paligid,
at sa pagpatak ng ulan, luha ko'y nangilid.

Pakisabi sa kanya, buntis ako at siya ang ama.
sumunod ay lagabag at sigaw mong "mama!".
Lumiwanag ang paligid at ang araw ay sumikat.
Araw ko'y tinapos ng ngiti at kibit-balikat.



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Saturday, February 21, 2009

Aming Kasiyahan

Di namin malilimutan ang aming kasiyahan,
nang una kang makita, mahawakan at mahagkan.
Sa iyong haplos, ngiti at pag-iyak,
puso nami’y lumulundag, laging nagagalak.

Di namin malilimutan ang aming kasiyahan,
nang iyong bigkasin ang aming ngalan.
Hirap ng buhay, pagod at kapighatian,
nawawala lahat kapag ika’y aming nasisilayan.

Di namin malilimutan ang aming kasiyahan,
sa una mong yapak at sa'yong pag-gapang.
Nawa sa iyong paglaki, lakad mo'y matuwid,
ligtas sa paghuhusga ng mga taong nakapaligid.

Kaya’t lagi naming pinasasalamatan,
ang Diyos nating makapangyarihan.
Kahit na kami’y di karapat-dapat,
Sa isang biyayang walang katapat.

Sa aming paglisan, huwag nawang kalimutan,
turo nami’y lagi mo nawang tatandaan,
huwag talikuran bagkus ito'y ipamuhay,
magamit sa'yong buhay bilang isang tulay.

Pag-ibig na aming inialay,
nawa iyong maging kaagapay,
Magbigay nawa ng lakas, sigla at katapangan,
at maging matagumpay sa iyong sapalaran.

Anak, huwag mo sanang kalilimutan,
ang aming kasiyahan, aming kagalakan.
Nang ika’y aming buhatin at bigyan ng ngalan,
Mahal ka namin anak, bunga ka ng aming pagmamahalan.



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Tuesday, February 10, 2009

Love Juice

Bili na kayo! Love juice para sa mga bigo.
Mainam na gamot sa pusong nagdurugo.
Hindi ito katas ng pagmamahalan,
at hindi rin ito katas ng kamunduhan.

Para sa mga nilalang na pinaghaharian
ng lungkot, galit at kapighatian.
Para sa mga pusong wala ng pag-asa
bugbog at pasakit sa pusong pasa-pasa.

Sa love juice ika'y may kasiguruhan,
Tiyak na epektibo at maaasahan.
Bilang katunayan ay wala pang bumabalik,
upang mag-reklamo sa kanilang tinangkilik.

Maging sa hustisya din na inyong hanap,
Sa kamay ng taong nagbigay pahirap.
Laging tandaan, love juice produkto ng Baygon,
Sagot sa kahirapang dulot ng mapait na kahapon.

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape