BNN wishes to thank all who remained faithful to us.

More adventures, more pictures, more inspirations coming soon.

Check out previous adventures

Revisit the places we have been, places you should go and what to do..

Read inspiring stories.

Read inspirational stories, essays, parenting, christian living, Bible studies, etc....

Watch funny clips, photos and stories.

From time to time we put some clips or photos to let you see BNN's lite side.

Follow us!

Now you can follow Baul ni Noel on Twitter or Facebook.

Showing posts with label christmas budget. Show all posts
Showing posts with label christmas budget. Show all posts

Tuesday, December 22, 2009

Christmas Expenses Paano Iwasan!

Three more days and Christmas is at your doorstep. Dami gastusin. Kelan lang ay namili kami ng mga gifts. Buti na lang at nakabili na kami dahil ngayon ay medyo mabigat ang pakiramdam ko. Hindi dahil sa gastusin kundi dahil nakasagap ng masangsang na amoy na may dalang virus ata.

Naalala ko ang aking first vacation sa Pinas, after working for a year here in Jeddah. Two weeks pa lang ay ubos na pera ko. Okay lang, charge it to experience. Di ko pa alam mag-handle ng pera noon kaya ayun. Pero ang hatid nitong ligaya sa puso ko ay sadya namang di mapapantayan.

Naalala ko rin nung di pa ako nag-a-abroad. December 1 pa lang ay karoling na ang mga bata. At sa Divisoria ay sangkatutak ang mga tao, kahit saan pala ay napakaraming tao. Tunay na ang Pinoy ay talagang excited sa kapaskuhan.

Paano ba tatakasan ang gastusin?

Tuwing pasko yan ang tanong ng karamihan pero bihira ang nagtagumpay na takasan ang napakaraming gastusin. Siguro kung sadyang masungit ka or kinatatakutan ka ng mga inaanak mo ay ligtas ka hehe.

  1. Sa office siyempre may mga friends ka na magtatanong kung nasaan na ang gift nila. Ano isasagot mo? Pwede mo sabihing - SORRY, AKALA KO NAG-BAKASYON KA EH! hehe!
  2. Pwede rin mag-file ka ng leave of absence or totally mag-vacation. Atleast, ang sasabihin ng mga friends mo ay galing ka sa gastusan pero baka manghingi ng pasalubong kaya bili ka ng maraming pastilyas o yema - sapul!
  3. Dapat din ay may spotter ka sa bahay. Yung malayo palang ang inaanak  mo ay may nagwa-warn na sa'yo. Tapos kuha ka ng lumang kaldero at plato at pag malapit na sa tapat ang inaanak mo ay ihagis mo at kunwari ay pasigaw mong pagagalitan ang spotter mo. - LINTEK! AKALA KO BA NABAYARAN NA YUNG ILAW. NGAYON PA PINUTOL YUNG KURYENTE, LINTEK TALAGA O!. Siyempre, patayin mo rin yung ilaw para realistic hehe. Pag na-surpresa ka ng inaanak ay kunwari hinimatay ka na lang at gising ka pag wala na siya or pag nandiyan pa, tanungin mo siya - SINO KA?
  4. Sa Girlfriend, well wala ako maisip na excuse dahil any excuse ay hindi welcome sa syotang galit. Bumili ka na lang ng kahit anong cute na bagay or ipagluto mo ng something special. Minsan yung pinaghirapan pa ang tine-treasure nila - nakatipid ka pa di ba?
  5. Sa asawa, medyo madali ito. Kita naman niya ang expenses niyo eh. Pero kung maraming extra ay kailangan mo mag-exert ng effort to buy something really special. Kinalulungkot ko, ang pagluto ng something special ay di na masyadong effective sa ganitong stage hehe pero minsan it works pa rin, dagdagan mo ng flowers to make it romantic.
  6. Sa mga anak, kailangan mo ng accomplice dito si Mrs or Mr. which is quite easy pero kung meron kang nai-pangako ay lagot ka. Children have tendencies to remember your promises kahit ilang taon na yung promise mong iyon. Kaya dapat kung mamahalin ang promise ay pinag-iipunan ito. Applicable din ito sa misis at girlfriend. Advance earning is highly suggested.
  7. Sa mga magulang, heto ang medyo mahirap. Pag matanda na ay matampuhin at ang mahirap pa ay kung may asawa ka dahil pag may regalo ang kabila meron din dapat sa kabila. Kung single ka ay, walang masyadong damage kung di mo sila mabibigyan kasi pag may asawa ay pwedeng sabihing - nag-asawa ka lang, nakalimutan mo na kami. WAAAH! So sa mga single, babae o lalaki - parents are very understanding naman kaya okay na walang gifts - KUNG KAYA NG KONSENSYA MO!
  8. Sa mga bestfriend, yun ang maganda sa bestfriend eh - they don't expect much. Pwedeng next time na lang haha!
  9. Sa kapatid, pareho ng sa magulang. Ang mahirap ay pag marami kang kapatid. Pag isa lang ang binigyan mo dehado ka sa iba kaya kung di sapat pera mo - WAG KA NG MAG-REGALO!
  10. Sa sarili mo. Well, makaligtas ka lang ng di butas ang bulsa ngayong pasko ay malaking regalo na. Sa mga binata at dalaga, anything goes po ito. Sa mga may asawa, check the expenses at siyempre dapat meron din yung asawa hehe! kaya kung di rin sapat - MAGTIIS KA MUNA SA WALA!
That's all folks, hope this helped you guys.