Sunday, October 25, 2009

Tamang Pag-init ng Chicken Joy sa Microwave Oven

Nasubukan niyo na bang mag-init ang paborito niyong Chicken Joy sa Microwave oven? Ang KUNAT no?

Maikli lang itong post ko, baka sakaling makatulong sa mga taong mahilig magkulong sa kwarto at magpa-init na lang ng mga left-overs sa ref. Scientifically kasi talagang kukunat ang manok pero di ko na ipapaliwanag kasi di naman tayo scientist eh. Naisip ko lang ang solusyon kong ito para mabawasan ang starvation ng ating mga couch potatoes na kababayan nating tulad ko - di naman masyado!

Tagal naman kasi kung open ka ng kalan at isalang mo ang isang kawaling may mantika para lang initin ang kapiranggot na chicken di ba? Tapos lalo pang mag-mamantika yung chicken joy niyo di ba?

Sige na nga, atat na kayo eh.

Actually, natutunan ko ito sa panonood ko ng Yakitate Japan. Kung hindi niyo alam, ito yung kwento ng isang batang magaling mag-bake ng mga tinapay at ... ah.. okay sige na nga. Baka umusok na ilong niyo sa galit eh hehehe!

  1. Ilagay sa plato ang inyong paboritong napakasarap na chicken joy (pwede rin Al-Baik kung sa Jeddah kayo or Kenny Roger's na chicken or Max, etc..).
  2. Sabayan niyo na ng kanin para mas masarap kain niyo. (Daming patalastas no?)
  3. Kumuha ng isang cup ng drinking water, kahit hindi puno at itabi sa chiken joy niyong napakasarap!
  4. Ipasok sa loob ng microwave oven.
  5. Yung time kahit gaaano katagal basta wag lang isang oras dahil ubos ang tubig sigurado, sunog ang chicken joy nyong napakasarap at ang taas ng kuryente niyo for sure. Sige kahit mga 2-3 minutes siguro okay na.
  6. Kamay ilagay sa baba at pag nag-buzz ang microwave, may mainit na kayo at napakasarap na chicken joy na hindi pa makunat at may kanin pa. Yung mainit na tubig pwede niyong lagyan ng kape, asukal at gatas para mas masarap kain niyo di ba?

Ilalagay ko sana ito sa isang blog ko about tips pero di related ito sa aking blog, pero teka subukan ko rin. I hope nakatulong ito ng lubos sa inyong lahat. Isang masarap na chicken joy lamang po ang nasawi sa aking ekperimentong ito at natunaw na siya sa aking tiyan. Kung anomang di kanais-nais ang mangyari sa inyong kusina habang isinasagawa ang method na ito ay DI KO KASALANAN! May problema malamang oven niyo at dapat na bumili kayo ng bago.

O di ba, di pa mamantika ang paborito niyong napakasarap na chicken joy! Kain na!

7 comments:

Life Moto said...

wow ang galing na tip ito sa wakas di na ako makakain ng makunat ng chicken joy. salamat bro sa tip.

DRAKE said...

Sorry hindi ako kumakain ng mga left-over foods!whahahahha!

Isang napakagandang tips itong naibigay mo ngayon, tyak uunlad ang Pilipinas sa ibinahagi mo na ito!hahah

Ingat

Noel Ablon said...

@lifemoto - walang anuman, enjoy your left-overs.

@drake - ganun ba kaya pala pumopogi ka ng husto, kasi nakakabawas daw ng pogi points ang bahaw at tira-tirang pagkain hehe.

The Pope said...

Wow, salamat sa tip kaibigan, ngaun alam ko na ang sikreto hahahaha. Tuloy-tuloy ang pag-iinit ng manok sa microwave.

Rico De Buco said...

wow cge ttry ko yan.. mhilig k din pla sa anime? uu mgnda ang yakitate japan!!!!

2ngaw said...

Wow salamat, bili ako chicken joy ngayon, palamigin ko tapos subukan ko yan lolzz

Noel Ablon said...

Dahan-dahan sa chicken mga igan. Baka maubos sila.